^

PSN Showbiz

Kris, pinagdarasal na tanggapin sa UCLA Hospital

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kris, pinagdarasal na tanggapin sa UCLA Hospital
Kris, Bimby, Boy at Mark
STAR/File

Ngayong araw, American time malalaman kung tinanggap si Kris Aquino sa UCLA Hospital.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot si Batangas Vice Governor Mark Leviste kung na-admit na sila.

Sa totoo lang, talagang nakakabilib din ang dedication ni VG Mark sa pag-aalaga kay Kris.

Last Valentine ay nag-compile pa si VG Mark ng birthday greetings for Kris.

Nakakaiyak dahil ang iba sa kanila ay kinantahan pa si Kris like Gary Valenciano, Martin Nieverra, Sarah G., Kim Chiu, Darren Espanto, Jed Madella, KZ Tandingan at marami pang iba.

Andun din ang mga anak ni VG Mark.

Marami ring mga paring nagbigay ng mensahe kay Kris.

“Basta love, dasal at laban lang tayo,” sabi pa ng pulitiko na galing ng Batangas.

“You mean the whole world to me,” dagdag pa nito.

Grabe iba rin ang pagmamahal ni VG Mark kay Kris.

Sana nga ay gumaling siya at maging masaya ang kanilang relasyon.

Nauna na ngang sinabi ni Kris na “Yes, because of Churg Strauss i now have cardiomyopathy. This means my heart muscles are having trouble pumping blood due to inflammation, and because of that inflammation, it’s exhausting my heart and causing it to begin to fail and ultimately, please pray with me- sana hindi tuluyang sumuko or mag CARDIAC ARREST.”

Oras diumano na pumasok na sa hospital si Kris ay hindi na siya pwedeng dalawin muna kaya uuwi muna ng Pilipinas sina Joshua and Bimby.

Bea, nakikipag-usap din sa mga abogado?!

Totoo ba na nakikipag-usap din ang kampo ni Bea Alonzo sa mga abogado?

Narinig ko lang naman na pinag-aaralan din ng kampo nito kung ano ang pwedeng gawin sa mga natatanggap na bashing at ilang negative comments sa actress dahil sa breakup nila ni Dominic Roque na sa totoo lang ay sinakyan na rin naman ng ibang pulitiko.

Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik ang actress.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with