^

PSN Showbiz

Carla, tinawanan ang kanyang ‘pagpanaw’!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla, tinawanan ang kanyang �pagpanaw�!
Carla Abellana

Natawa na lang ang Kapuso actress na si Carla Abellana nang makita niya ang fake news tungkol sa pagpanaw niya.

Ni-repost ng Stolen Life actress ang death hoax na ni-repost ng isang netizen kung saan makikitang pumanaw na raw siya na may petsang May 29, 2023.

Napa-“Aray ko po” na lamang siya na may kasamang laughing emoji.

Samantala, hindi lamang siya ang nabiktima ng death hoax kundi marami pang mga celebrity ang nabibiktima rin nito.

Isa na nga rito ang komedyanteng si Michael V. o Bitoy na na-fake news din at sinabing pumanaw na rin siya.

KathNiel, lumawak ang mundo

Ewan ko ba kung bakit parang ang hirap tanggapin ng followers nila na puwede nang magkanya-kanyang lakad sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Puwede na noon so much in love sila, but puwede namang ma-fall out of love ka rin, ‘di ba?

Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede palang makakita rin ng iba.

Mga bata pa sina Kathryn at Daniel, dapat muna na-enjoy nila ang mga bagay na nasa paligid nila ngayong kabataan nila.

Hindi dapat na maging seryoso agad sila sa isang relasyon. Mas mabuti pa na enjoy your youth and all the perks bago maging seryoso.

Ang lawak pa ng mundo at marami pa silang madi-discover na mga bagay. Parehong mukha namang matibay sa pagsubok ang dalawa kaya nilang ma-survive ang heartache ng breakup nila.

Kaya huwag maging violent ang followers nila. Let them grow more mature, para mas matibay ang outlook nila sa love. Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with