^

PSN Showbiz

Mommy Divine at Matteo, wini-wish matulad kina Chiz at mommy ni Heart

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Mommy Divine at Matteo, wini-wish matulad kina Chiz at mommy ni Heart
Mommy Divine at Matteo Guidicelli

Ang gaganda ng comments sa reels nina Sen. Chiz Escudero at mom ni Heart Evangelista na si Cecilia Ongpauco na magkatabing nakaupo at magkayakap. Nagtatawanan ang mga mahal sa buhay ni Heart at may parte sa reels na itinuro ng mom ni Heart na may camera na nakatutok sa kanila.

Nangyari ang heartwarming na eksena sa Manila reception ng wedding nina Chiz at Heart, kaya pala mas marami ang bisita.

Comment ng netizens, sana kinumpleto na at pati sana ang pinag-usapan ng magbiyenan ay ipinarinig.

Sample ng positive comment ang “Happy to see them both okay,” “Wow okay na sila,” “God’s time is the best time,” “Reconcilliation! Very good example!” “Sana all mothers like her, she loves Heart so much that’s why she accept Sen. Chiz as her own son,” at “Glad to see mom in law happily hugging son in law and that’s great.”

May mga nag-comment lang na sana dumating ang araw na mangyari sa mom ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang reconciliation nina Chiz at mom ni Heart.

Sigurado raw na matutuwa nang lubos si Sarah at si Matteo na rin.

Claudine at Yasser ‘di pa tapos ANG ‘relasyon’

Matagal ng tapos ang Lovers/Liars na tinampukan nina Claudine Barretto at Yasser Marta, pero patuloy silang nili-link.

Buhay na buhay ang shippers nila at nagre-request sa Regal Films at GMA-7 na pagtambalin uli ang dalawa sa isang serye. Ang request ng fans, mas mahabang serye ang muling pagtambalan nila.

Ang isa pang request ng fans, love story na may drama ang ibigay sa kanila tipong May-December affair at sigurado raw babagay.

O, di ba, pala desisyon na ang fans at gusto pa agad-agad na bigyan sila ng project.

Isa pang nakakatuwa sa fans nina Claudine at Yasser, lahat ng ganap ng aktor, kino-konek kay Claudine.

Gaya na lang nang kantahin sa Tahanang Pinakamasaya ang Yellow ng Coldplay, sino raw kaya ang yellow ni Yasser?

Sinagot ng isang fans na walang iba kundi si Claudine.

Heto pa, sana raw si Yasser na ang lalaking magmamahal kay Claudine lalo na at napamahal na siya sa mga anak ng aktres. Remember, sa bahay nina Claudine sinalubong ni Yasser ang Bagong Taon, kaya kilig na kilig ang kanilang shippers.

Juday kabilang sa umaapelang palayain si direk Jade Castro

Kasama si Judy Ann Santos sa mga taga-entertainment industry na nananawagan na palayain ang director na si Jade Castro at tatlo nitong kaibigan na nakakulong ngayon.

Inakusahan ang tatlo ng arson dahil daw sa panununog ng modern jeepney.

Pinost ni Judy Ann ang poster na may nakasulat na Free Jade Casto & friends NOW!

May mga iba pang taga-entertainment industry na may panawagan na palayain sina Direk Jade at mga kasama nito.

Sabi naman ng Kapulisan, may probable cause sila para sampahan ng kaso ang director at mga kasama nito.

Samantala, kabilang din sina Judy Ann at asawang si Ryan Agoncillo sa maraming nanood sa reunion concert ng Rivermaya. Ang sweet ng caption ni Judy Ann sa reels na naki-sing-along si Ryan sa pagkanta sa Ulan. Sabi ni Judy Ann, “My husband’s happiness... is my happiness.”

Makikitang enjoy na enjoy si Ryan na kumanta, umindak at kumuha ng litrato sa nasabing concert. Sayang at walang video ang aktres na nakikanta rin pati ang panganay nilang si Yohan na kasama nilang nanood.

Nakasama sa picture taking nina Judy Ann at Ryan si Dominic Roque na nanood din sa concert. Hindi nga nagmumukmok si Dominic after ng break-up nila ni Bea Alonzo at comment nga ng netizens, he is everywhere.

vuukle comment

ACTOR

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with