^

PSN Showbiz

Umayaw sa pre-nup agreement nila ni Bea?!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Dalawang winter na ang pinagdaanan… Movie nina Sam at Juday, parked muna!

Bakit ganu’n ka-nega ang kinalabasan ng breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Bakit malakas na bulung-bulongan tungkol sa pre-nuptial agreement na inayawan diumano ni Dom?

Bakit lumalabas ang iba’t ibang mga detalye in the first place? Na galing pa sa pinagsasabi sa iba’t ibang tao? Bakit hindi sila mismo ang umaakong nagsasalita?

Bakit parang walang nagtatagal talaga kay Bea? Hayyyyyy...

Sen. Robin, P400k ang biniling ticket sa concert ni Pops

Nakakatuwa naman si Senator Robin Padilla na magge-guest sa anniversary concert ni Pops Fernandez this weekend!

Totoo bang solb na ang ticket sales ng naturang Always Loved concert dahil nagpa-reserve si Senator Binoe ng P400K worth of tickets during the night of his performance? Bongga!

Ticket sales ng local artists, matumal!

Looking at the ticket sales ng ibang concert, bakit marami pang tickets ang Our Time, the Solaire Valentine concert nina Hajji Alejandro, Marco Sison at Nonoy Zuñiga pati nina Mitch Valdes at Nanette Inventor, at maging ang kay Julia Fordham with Christian Bautista ay hindi pa rin masyadong nabebenta?

Bakit hindi pa rin sold out ang Odette Quesada at Ogie Alcasid concert sa Newport World Resorts na ang solo concerts ay ubusan at sold out before?

Pati kina Jamie Rivera at APO Hiking Society ay marami pang tickets sa TicketWorld?

Kinukulang ba ng budget ang mga tao sa Valentine concerts o naghihintay lang sila ng last minute?

***

Gaano katotoo na parked daw muna ang horror film na The Diary Of Mrs. Winters nina Judy Ann Santos at Sam Milby dahil dalawang winters na ang dinaanan ay hindi pa matuluy-tuloy? Mukhang ikakasal ba muna sina Sam at Catriona Gray bago maharap ang ganitong bigating project?

Michael, Kapuso na!

Magiging Kapuso na ba talaga si Michael de Mesa at ipinakilala na siya sa bagong teleserye ni Euwenn Mikaell (Metro Manila Film Festival Best Child Actor for Firefly) na Forever Young para sa afternoon prime?

Speaking of Michael, matagal din siyang matoka sa magagan­dang roles mula sa produksyon ni Coco Martin for Dreamscape.

Alam n’yo bang maipapakita na naman niya ang galing sa pagkanta sa Mr. Streisand na magaganap sa Music Museum this coming weekend sa direksyon ni Mark Bautista?

Ang versatile talaga ng pamilya nila Michael, ‘di ba?

Nakakata-quote:

“Totoong mas maa-appreciate mo ang mga nagagawa mo sa mga sandaling wala ka nang kakayanang gawin ang mga ito. Kagaya ko, hindi ako makapangulangot dahil may tigyawat ako sa loob ng ilong.” – Ice Seguerra

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with