^

PSN Showbiz

Pauleen, nakalabas na agad ng hospital

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakalabas na pala ng hospital si Pauleen Luna pagkatapos ng maluwalhati niyang pagluwal sa second baby nila ni Vic Sotto nung Jan. 23.

Sobrang thankful si Pauleen dahil hindi raw siya nahirapan sa panganganak.

Sa Caesarian section niya iniluwal si Baby Mochi, pero feeling daw niya parang normal lang ang lahat.

Kaya nung Huwebes, Jan. 25, ay lumabas na siya ng hospital.

At Thia Marceline ang pangalan ng kanilang second baby.

Ang Thia ay kuha sa Mommy niya na si Cynthia, at ang Marceline ay sa Daddy ni Bossing Vic na si Marcelino.

Kaya sobrang happy si Mommy Chat na sa pangalan niya kinuha ang kanyang pangalawang apo.

Sa totoo lang, natagalan si Pauleen sa pag-iisip kung ano ang ipapangalan niya sa new baby nila dahil baka meron daw magtampo.

Ang gusto raw kasi ni Bossing ay mapasama ang pangalan ng magulang niya, ang Mommy o ang Daddy niya.

Baka naman daw magtampo ang Mommy o ang Daddy niya kung hindi ang pangalan nila, kaya mabuti at nabuo naman niya ang magandang pangalang si Thia Marceline.

At least, puwede rin daw na Thia ang palayaw para bagay silang magkapatid na Tali and Thia.

Puring-puri naman ni Pauleen ang panganay niyang anak na si Tali dahil nakikita nito ang sobrang excitement sa kanyang baby sister. Pero ang isa pa raw sa inaalala ni Tali ay ang Mommy niya. Lagi raw niyang tsini-check si Pauleen kung okay na ito.

“Happy siya! Pero mas concerned siya sa akin, kung kumusta daw ako, kung may sakit ba raw ako etc… napakabait na bata talaga,” text sa akin ni Pauleen.

Albie, hindi na nahihiyang maghubad

Pumirma na pala si Albie Casiño sa Viva Artist Agency nung September last year.

Wala na siya sa kuwadra ni Leo Dominguez at maayos naman daw ang pagpaalam niya pagkatapos ma-expire ang contract niya sa dating manager.

Ang first movie niya sa Vivamax ay itong Salawahan na mag-streaming na sa Feb. 2.

Walang keber si Albie kung paghubarin siya at tuluy-tuloy ang pagpapa-sexy niya. “Hindi ko naman kailangan na magpa-sexy. Sexy na talaga ako,” pabirong sagot sa amin ni Albie nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Miyerkules.

Dati raw ay medyo nahihiya pa siyang maghubad, ngayon ay wala na raw siyang pakialam kung paghubarin siya sa mga pelikulang gagawin niya.“Nung una, nahihiya ka pa… kukuha ka pa ng towel, tatakip ka. Pero bandang huli na, wala na talaga akong pakialam. Magta-towel ka pa ba, e nakita n’yo na lahat to. Ano pang bago diyan!” diretsong sagot sa amin ni Albie.

Sinundan namin ng tanong kung okay ba siya sa frontal nudity.

“Isa lang ‘yung problema ko dun. Alam mo naman, nag-iiba ‘yung ano natin e, ‘yung karga natin kumbaga. Maraming variables ‘di ba. Kung masisigurado ko na maipakita ko ‘yung best ko, okay lang naman,” nakakalokang sagot ni Albie.

Nag-trending pa noon ang isang personal appearance ni Albie na sinasabing lasing daw siya nung kinakantahan ang mga kandidata sa isang beauty pageant.

Unfair daw na pagbintangan siyang lasing. Hindi raw siya umiinom sa oras ng trabaho.

“We’re all having fun. Dun lang ako na-off na parang wow lasing? Chill lang! Sobrang profressional kong tao. I would never go to work drunk!,” sabi pa ni Albie.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with