^

PSN Showbiz

Mochi nina Bossing at Poleng, parang ‘di bagong silang

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mochi nina Bossing at Poleng, parang �di bagong silang
Mochi

Proud daddy si Vic Sotto na ipinakita kahapon sa Eat Bulaga ang second baby nila ni Pauleen Luna. “Kayo na humusga kung sinong kamukha,” hirit ni Bossing Vic kahapon sa kanilang noontime show.

Super duper cute ito at ang tambok na agad ng pisngi na parang ‘di bagong luwal. Thia Marceline aka Mochi ang name ng baby na pinanganak nung Jan. 23, 2024 na 8.2 lbs. “Thank you for all your prayers and well wishes!,” post ni Pauleen na may kalakip na mara­ming photos ng baby at merong andun si Tali.

Marian, pinalakpakan sa message kay Heart; Glam team ni Pia nasita nang ‘di aminin ang raket, na-offload pa-Dubai?!

Parang mas maganda namang issue ang tungkol sa celebrity make-up artist na si Denise Ochoa na official make-up artist sa kasalan nina Prince Abdul Mateen ibni Hassanal Bolkiah at Anisha Rosnah more than a week ago.

Sa post ng in demand celebrity make-up artist “Nothing but the best wishes for @tmski and #anishaisakalebic #anishaik

“This spectacular celebration of love is such a remarkable memory that will forever be locked in my core. What a fascinating and humbling experience in so many ways. I am truly honored to be part of the Royal Wedding of @tmski and Anisha.

“More than being just part of it, being immersed in a beautiful, rich culture which is all so new to me, has once again opened my eyes and my mind to so many new things. Just a little past halfway of this trip, and what I have learned about their country, people in general, and myself always be what I am grateful for,” aniya na kasama ang bagong kasal.

Mas bongga si Ms. Denise na parang low key samantalang ang mga dating make-up artist pala ni Heart Evangelista na balitang hindi pinasakay papun­tang Dubai dahil nangatwiran diumano na vacation lang ang purpose ng travel nila nang tanungin daw ng Immigration officer kung anong gagawin nila sa nasabing bansa, pa-high profile.

Common knowledge na working diumano ang mga biyahe nila base sa mga pino-post ng mga ito sa social media pero sinabi raw na turista lang sila.

At ang bongga nga raw nitong sina Justin Soriano and Jeck Aguilar na kasama sa glam team ni Pia Wurtzbach ngayon dahil lagi raw naka-business class at parang mga celebrity ang galawan say ng isang friend namin na nakasabay nilang nagbiyahe sa Bangkok, Thailand. Ito raw ‘yung time na wala sila kay Heart.

Anyway, parang mas fabulous ngayon ng bagong glam team ni Heart, hindi masyadong pumapapel pero panay ang post ni Heart sa mga ito.

Kasalukuyan ngang nasa Paris Fashion Week sila Heart at in all fairness, mas marami siyang rampa ngayon sa Haute Couture Week na sa pagod ata dahil may video na nakunan si Heart na nakakatulog na habang nasa front row ng isang show at nasa kotse.

Samantala, palakpakan naman ng netizens nang mabasa ang comment ni Marian Rivera sa isang post ni Heart na “God bless you more.”

Queens don’t compete, they empower and support, say nila.

vuukle comment

EAT BULAGA

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with