^

PSN Showbiz

Pauleen, mahaba ang emote bago niluwal ang second baby

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, mahaba ang emote bago niluwal ang second baby
Pauleen Luna-Sotto

Isinilang na ni Pauleen Luna-Sotto ang second baby nila ni Vic Sotto kahapon, Martes ng 7 ng umaga via caesarian section.

Full term na kasi ang pagdadalangtao ng actress/TV host, kaya nagpa-confine na siya at kaagad na inoperahan na siya para iluwal ang kanyang pangalawang baby.

Nung Lunes ng gabi ay naka-text ko pa si Pauleen na naghahanda na papasok ng hospital.

Pagkagising ko kinabukasan, nakapanganak na pala siya.

Sabi ng Mommy Chat ni Pauleen, may timbang daw ang baby na 8.2 pounds.

Bago siya na-confine sa hospital ay nag-post muna siya sa kanyang social media account para sa kanyang huling selfie na buntis na pagkalaki ng tiyan.

Todo-emote siya sa caption na ipinost niya na kung saan nagpasalamat siya sa Panginoon na biniyayaan pa sila ng isa pang baby kahit medyo hirap na siya.

Narito ang kabuuan ng post ni Pauleen bago siya nanganak.

“Today, I took my last pregnant selfie. Yes, it sure is a sentimental feeling but I feel extremely blessed to be able to carry another child despite my condition. All glory and praise goes to our one and only Lord for blessing us with this child. Ikaw lang talaga ito Panginoon, wala ng iba pa. I couldn’t have carried her to term without Your protection and guidance oh Lord.

“I would also like to thank all my prayer warriors who have been with us since day one. Please know that you have a special special place in my heart.

“To my dear Tali, I know this is something new and things might be a little different but know that you will always be mommy’s first. It was just you and me for 6 years and you have taught me SO MUCH. Maybe you would think that often times you needed your mom but it was really me who needed you most of the time. Thank you for giving me purpose and meaning. Thank you for making me a very happy mommy.

“To my ever supportive and loving husband, I am so grateful for you. I look at you now as I type these words and my heart is just filled with love and gratitude. Mahal na mahal kita. Habang buhay.

“And to my mochi girl, mommy cannot wait to hug and kiss you tomorrow! You are yet another answered prayer in our lives! I’m so excited to make memories with you and your ate and dad. I love you!”

Congratulations kina Bossing Vic Sotto at Pauleen sa dagdag na miyembro ng pamilya.

Willie, tatakbong senador?!

Si Cong. Sam Verzosa ang isa sa humarap sa media sa ginanap na mediacon ng Congress TV sa Congress kasama si Speaker Martin Romualdez, at ang iba pang Congressmen na sina Cong. Erwin Tulfo, Cong. Richard Gomez, at Cong. Rodge Gutierrez.

Sa nakaraang mediacon ay napag-usapan namin ni Cong. Sam ang posibleng pagpasok ni Willie Revillame sa pulitika.

Tinanggihan ni Willie ang alok sa kanya noon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador.

Sinabi niya sa kanyang programang Wowowin na hindi siya bagay sa ganung obligasyon, pero kahit wala siya sa posisyon ay nandiyan naman daw siya para tumulong.

Ngayon ay nasa top 10 pa rin si Kuya Wil sa survey na puwedeng manalong senador. Hiningan namin tunkol dito ng pahayag si Cong. Sam dahil magkasama silang nabuo ang partylist nilang Tutok to Win.  “Alam n’yo po every election naman, nandun si Kuya Wil sa top 10 sa survey. But, it’s up to him kung sa tingin niya it’s the time na pumasok sa pulitika at magsilbi na sa ating bayan, nasa sa kanya ‘yun.”

Hindi naman daw nila ito napapag-usapan kapag magkasama sila.

Nakikita raw niya sa ngayon kay Kuya Wil na gusto lang talagang tumulong.

Tuluy-tuloy pa rin ang TV show ni Cong. Sam sa GMA 7 na Dear SV.

Isa siya sa umaayong dapat na merong transparency at napapanood ng mga tao ang lahat na ginagawa nila sa Kongreso Kaya maganda raw itong meron nang Congress TV na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 ng umaga hanggang sa 9 ng gabi sa digital Channel 14, pati sa Channel 46 sa GMA Affordabox, at sa Channel 2 sa ABS-CBN TV Plus, at sa lahat na social media ng House of Representatives.

 

vuukle comment

ACTRESS

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with