^

PSN Showbiz

Gladys, ‘di pa maka-move on sa pagkawala ni Ronaldo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gladys, �di pa maka-move on sa pagkawala ni Ronaldo
Gladys Reyes at Ronaldo Valdez.

Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Gladys Reyes sa pagkawala ng aktor na si Ronaldo Valdez.

Nagkatrabaho sila sa Kapuso sitcom na Bahay Mo Ba ‘To kung saan gumanap sila bilang Kelly Mulingtapang noon kaya apektado pa rin ang aktres sa pagkamatay nito at isa siya sa nagluluksa pa rin.

Kaya naman nagbigay ang misis ni Christopher Roxas ng tribute sa tatay ni Janno Gibbs.

Ipinost niya ang eksena nila sa nasabing sitcom na may caption na, “Thank you tito Ron... It took a while before I decided to post this, maybe because I still can’t believe he’s really gone.”

Dalawang taon palang inere ang sitcom kung saan sila nagkasama.

Hindi rin daw niya makakalimutan ang kabaitan ng aktor.

“His versatility, wit, kindness and charm will always be remembered,” dagdag pa niya.

Marami rin ang mas naka-miss sa nakilalang Lolo Sir sa seryeng 2 Good 2 Be True. Muli nilang hinangaan ang pag-arte nito na natural na natural daw nang mapanood nila ang eksena nila ni Gladys.

Komento ng fans ay hirap pa rin tayong makapaniwalang wala na siya dahil nga sa galing nito bilang aktor na kagaya ni Gladys na siguradong hirap pa ring maka-move on.

Pinusuan ng netizens ang post ng Black Rider actress at hinding-hindi raw nila makakalimutan ang beteranong aktor.

Rest in Peace, Ronaldo.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

GLADYS REYES

RONALDO VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with