^

PSN Showbiz

Daniel Padilla binura 'break up' post kay Kathryn Bernardo

James Relativo - Philstar.com
Daniel Padilla binura 'break up' post kay Kathryn Bernardo
Litrato nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Mula sa Insagram account ni Daniel Padilla

MANILA, Philippines — Tinanggal ng aktor na si Daniel Padilla ang mahaba niyang mensahe matapos makipaghiwalay sa dating nobyang si Kathryn Bernardo, ito matapos muling magsama ang dalawa sa entablado ngayong linggo.

'Yan na nga ang napansin ng mga fans na sumusubaybay sa isyu ng dating "KathNiel" love team matapos mawala sa Instagram ang naturang mensahe.

Natira na lang sa kanyang paskil ang mga salitang "Ikaw at ako," na siyang tumutukoy sa kanila ni Kathryn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Nangyayari ito ilang araw matapos mag-perform nang magkasama sina Daniel at Kathryn sa "Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023" kahit break na.

Ilang KathNiel fans tuloy ang umaasang baka magkabalikan pa ang dalawa. Gayunpaman, kapansin-pansing nakapaskil pa rin ang post ni Kathryn tungkol sa hiwalayan.

"I'm well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It's true that Deej and I have decided to part ways," sabi ng aktres.

Marami pa rin ang heartbroken patungkol sa nangyari, ito habang ugong-ugong na may nangyaring pagtataksil kasama ang aktres na si Andrea Brillantes. Nananatili pa rin namang tahimik si Andrea sa ngayon.

Huwebes lang nang mabigyan nang pagkilala sina Kathryn at Daniel sa katatapos lang na Asia Artist Awards 2023 (AAA) sa Philippine Arena.

Kahapon din nang maungusan ni Kathryn si Anne Curtis bilang "most followed" Filipino celebrity sa Instagram matapos makakuha ng 20.17 million na tagasunod.

vuukle comment

BREAK UP

DANIEL PADILLA

INSTAGRAM

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with