^

PSN Showbiz

Kathryn, magpapahinga sa abroad; fake news sa KathNiel breakup, iniipon ni Karla

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, magpapahinga sa abroad; fake news sa KathNiel breakup, iniipon ni Karla
Kathryn
STAR/ File

Ang daming nagkalat na fake news sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kabilang dito ang quote card sa social media kung saan sinabi diumano ng nanay ng actor na si Karla Estrada na hindi ito cheater at hindi perpekto si Daniel.

Laging may nakahandang abogado si Karla. Naalala ko nung may programa kaming Take It... Per Minute, pinasulatan niya kami nina Lolit Solis at Cristy Fermin na idedemanda raw kami dahil sa isang topic na pinag-usapan sa digital program noon ng Pilipino Star NGAYON kaya ang chika, iniipon niya ang diumano’y nagkakalat ng fake news.

Kaya may possibility diumano na makatanggap ang mga ito ng warning.

Kaya naman maging ang ABS-CBN ay nakikiusap na ring igalang ang desisyon ng dating magkarelasyon.

At naglabas ng statement ang ABS-CBN / Star Magic:

“Nirerespeto at nauunawaan ng ABS-CBN management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na maghiwalay.

“Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news. Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.

“Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on.

“Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN management at Star Magic kina Kathryn at Daniel.”

Samantala, magpapahinga raw muna si Kathryn sa abroad kasama ang kanyang pamilya.

vuukle comment

CARLA

DANIEL

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with