^

PSN Showbiz

Gladys, nagbabalik sa dating kasamaan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gladys, nagbabalik sa dating kasamaan
Gladys
STAR/ File

Balik sa dating gawi si Gladys Reyes.

As in all-out na naman siya sa pagkokontrabida.

“Oo, na-miss ko rin talaga actually ‘yung magpakasama dahil alam mo na ‘di ba, hindi naman natin nagagawa talaga sa totoong buhay,” chika ni Gladys nang makausap namin pagkatapos ng media conference ng action drama series na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman, Black Rider, na magsisimula nang mapanood sa Nov. 6 sa GMA 7, kapalit ng limited series na Maging Sino Ka Man.

So bongga ang mga pasabog mo rito bilang matagal kang napahinga?

“Oo naman talagang kami nila kuya Raymond Bagatsing at Roi Vinzon. Talagang ito ‘yung pagbabalik na all-out kontrabida ulit tayo,” pangako niya.

Kelan ‘yung last na nagkontrabida ka?

“Ang tagal na nung huli. Actually, hindi ako kontrabida sa Madrasta ‘di ba so ang tagal na nung huli kong pagkokontrabida. Ang huli ko yatang kontrabida pa ako ‘yung kami pa ni Ruru, To the One I love pa ‘yun. (Tagal na nun ah?).”

Si Zoren Legaspi ang gumaganap na asawa niya rito.

“Yes. Ako si Madam Sasha Buenaventura, asawa ni Mayor Alfonso si Zoren  and ito ‘yung pagbabalik serye,” sabi pa niya.

At bongga, pakiramdam daw niya ay magseselos si Carmina Villarroel sa mga eksena nila. “As in. Sabi sa’yo patay na patay sa’kin dito ‘yung asawa ko pero iba ‘yung ginaganti ko sa kanya.”

“Alam mo, feeling ko, ito na talaga ang project na magseselos si Carmina dahil patay na patay po si Zoren sa akin dito sa teleseryeng ‘to,” tatawa-tawa pang sabi ni Gladys sa mediacon.

A-action ka rin?

“Well, hindi. Hindi nag-action pero alam mo ‘yung mga eksena namin, ‘yung  mga lines namin talagang matatalas.”

Sinong peg mo dyan sa role mo?

“Sino ba? Hindi actually dahil mahilig ako mag-Korean drama ‘di ba.

“Oo. Syempre alam mo na ‘yung andyan ‘yung mga Penthouse ‘yan ‘yung mga ganyan. Ayun pero syempre plus iinjectS-an natin ng may sariling touch din natin.”

Samantala, bumalik sa It’s Showtime si Gladys last Saturday.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with