MTRCB, abala sa pagsagot sa suspensyon ng Showtime

Nangatwiran sa no work, no pay...
Abala ang MTRCB sa pagsasagot sa mga isyung may kaugnayan sa 12-day suspension na ipinataw sa It’s Showtime.
Dahil sa mungkahi ni Sen. Bong Revilla na ikonsidera ang kalagayan ng mga production staff na “no work, no pay” lalong naging malalim ang usaping ito sabi ng MTRCB.
Nasa statement na inilabas kahapon ng naturang ahensya, magkaibang usapin itong 12-day suspension at ang “no work, no pay.”
Ang sabi, “The suspension, in fact, underscores the broader and more pressing matter of contractualization within the entertainment industry. The issue deserves sincere attention from the producer.
“The practice by the Producer, or Management to not regularize their employees, even when a show has been airing, live for six days a week, for over a decade, highlights a much bigger problem than the show’s 12-day suspension.”
Nilinaw nilang nakiramay rin daw sila sa mga production staff na maaapektuhan sa suspension. Pero dapat na mabigyang pansin daw itong hindi nare-regularize ang mga tauhang nagtatrabaho ng napakatagal na panahon.
Bahagi pa ng statement ng MTRCB, “However, we believe that the inabilty of the management to provide regular employment should not impinge on the duty of the MTRCB to uphold its mandate in ensuring the ethical compliance of broadcasting content by any production company or television network pursuant to Presidential Decree No. 1986.”
Binanggit din sa naturang statement na nasa producer o management na raw ng network kung isuspinde o bibigyan ng sanction ang hosts, kagaya ng ginagawa ng ilang programa.
Hindi raw saklaw ng MTRCB ang hosts.
Samantala, hindi malayong maging mainit na usapin na itong censorship dahil sa ingay ng MTRCB.
Marami ng isyung mauungkat, lalo na’t may online content pa, may social media na hindi pa sakop ng MTRCB.
Sabi ni Michael V nang nakatsikahan namin sa closing ceremony ng 3rd Philippine Film industry Month, kailangan daw talaga natin ng MTRCB para magsilbing mediator.
Pero paano ang nasa online na hindi naku-control ng MTRCB? “I believe na ang MTRCB, meron talaga dapat na ano. Sila ‘yung mediator, e. Kahit naman sabihin nila na, ‘Huwag mong gawin ito,’ puwede mo pa rin namang ipilit kung gusto mo talaga, e. Kaya lang, magkakaproblema ka.
“Minsan nga, ‘di ba, kahit online, sinasabi nila — sa social media, sa online, sa YouTube, walang ano. Walang restrictions, puwede mong gawin kahit ano.
“Pero naka-cancel ka pa rin. So, ang ano na ngayon, nasa society na talaga ‘yung control, more than the MTRCB.
“Nasa netizens. Sila ‘yung magsasabi kung ano talaga ‘yung naa-appreciate nila, at hindi nila naa-appreciate.
“Sila ang magsasabi kung ano ang nakaka-offend, at hindi nakaka-offend.
“Ngayon, kung ikaw ay persistent talaga na komedyante, and you want to prove a point, you will find a way para maipaalam sa mga tao, sa netizens at sa MTRCB na, ‘Itong ginagawa ko, hindi mali.’ There are ways.”
- Latest