Kim, masayang-masayang nasampal ni Maricel

Mapapanood na simula ngayong Huwebes sa Amazon Prime ang Linlang na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Kabilang din sa naturang online series sina Paulo Avelino, JM de Guzman, Heaven Peralejo at Maricel Soriano.
Masayang-masaya si Kim dahil natupad na ang kanyang pangarap na masampal ng nag-iisang Diamond Star. “Masasabi ko sa acting career ko nasampal na ako ng isang Maricel Soriano. So bucket list check. Nagso-sorry siya sa akin, ‘Hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista,’” nakangiting kwento ni Kim.
Masaya ang dalaga dahil sa magandang feedback na nakukuha mula sa mga manonood nang ipalabas ang trailer sa Linlang.
Umaasa si Kim na muling susuportahan ng mga tagahanga ang kanyang bagong serye. “I’m very excited na mapanood siya ng mga tao. Sobra akong natuwa no’ng nakita ko ‘yung mga comments no’ng lumabas ‘yung trailer namin. Kinabahan ako, nagdasal talaga ako bago mag-10 ng umaga ng Sunday. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ng mga tao. Nagulat din ako na naging positive ‘yung response and my growth as an actor kaya kinilig talaga ako. Hindi talaga ako nakatulog no’n, ang tagal kong natulog, nagbabasa lang ako ng comments. Para nasa cloud nine ako. Nagpapasalamat talaga ako and praying na suportahan talaga nila. Kasi exclusive lang ‘to sa Prime Video,” paglalahad ng aktres.
JM, ‘di pa sumusuko sa panliligaw kay Donnalyn
Noong isang taon pa nagpahayag ng kanyang damdamin si JM de Guzman para kay Donnalyn Bartolome. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang panliligaw ng aktor sa dalaga. “Okay naman, nanliligaw pa rin ako. Siyempre ‘pag may gusto kailangang ipaglaban. Nai-inspire ako sa kanya. She’s a very caring person, very sincere, sobrang mabait,” makahulugang pahayag ni JM.
Suportado umano ng aktor si Donnalyn sa pagiging social media influencer nito. Kahit nakararanas ng online bashing ay palaging nariyan lamang daw si JM para damayan ang dalaga. “’Yon nga ‘yung nakaka-proud sa kanya. Hindi siya nagpapaapekto doon. Pinapalabas niya lang sa kabilang tenga. She learns from kung ano man ‘yung ilatag sa kanya o ibangga sa kanya. Hindi ako nag-o-open up ng mga gano’ng bagay kasi sa kanya ‘yon. Pero nando’n ako to lend an ear,” pagbabahagi ng binata.
Samantala, kamakailan ay nanguna sa Netflix Philippines ang pelikula nina JM at Alessandra de Rossi na What If. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga manonood na tumangkilik sa naturang romantic drama film. “Sobrang grateful and thankful lang po ako na ako ‘yung kinuha ni Alessandra doon for the role. And sobrang proud din po ako doon sa movie,” pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC
- Latest