^

PSN Showbiz

Carlo, ‘idinemanda’ si Trina para sa visitation rights sa anak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Carlo, �idinemanda� si Trina para sa visitation rights sa anak!
Carlo Aquino

MANILA, Philippines — Isang kasamahan namin sa DZRH ang nag-forward ng litrato ni Carlo Aquino na kuha sa Quezon City Regional Trial Court kamakalawa lang.

Tinanong niya sa akin kung anak daw ba ni Carlo ang batang babaeng bitbit nito.

Anak nga niya ‘yun na si Mithi, na ikinaintriga namin kung bakit nandun sila sa korte.

Kaya pinakalkal ko sa reporter na kaibigan ko kung anong kasong hinarap ng aktor.

Napag-alamang nagsampa pala si Carlo ng kaso laban kay Trina Candaza para sa visitation rights sa anak nilang si Mithi.

Hindi lang daw niya nakuha ang buong detalye, pero matagal na pala itong naisampa ni Carlo.

Kailangan daw nilang magharap sa korte dala ang kanilang anak. Kaya sabi nung napagtanungan ko nagulat daw siyang kapit na kapit daw ang bagets kay Carlo.

Nagtanung-tanong kami sa ilang taong malapit kay Carlo, pero ayaw nilang magkuwento. Wala raw silang ideya tungkol sa visitation rights na isinumite ni Carlo sa korte.

Nakonek-konek na lang namin ‘yung mga na­ririnig namin noon na ipinagkakait daw ni Trina kay Carlo ang kanilang anak.

May nagkukuwento rin sa amin na hindi raw pinapayagan ni Trina na dalhin ni Carlo ang kanilang anak. Ang gusto lang daw niya ay puntahan lang ng aktor sa kanyang condo unit.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi dumalo si Carlo sa birthday party ng kanilang anak?

Naikuwento ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na dumalo sa birthday party ng bagets. Sinabi raw sa kanya ni Trina na imbitado naman si Carlo pati ang magulang nito. Kaya ewan ko kung alin ang totoo, dahil may naririnig din kaming ayaw raw ni Trina na ipakita ang kanyang anak sa magulang ni Carlo.

Wala lang kaming chance na makausap si Trina, pero bukas ang pahinang ito para sa kanyang panig.

Ogie, may pa-karaoke sa concert

Ang concert ni Ogie Alcasid na Ogieoke, The Concert ang isa sa selebrasyon sa anibersaryo ng Resorts World Manila.

Sabi ni Ogie, wala raw talaga ito sa plano niya ngayong taon, pero napakiusapan daw siyang mag-concert at nagswak naman daw sa schedule niya.

Parang birthday celebration na rin daw niya ito at 35th anniversary na rin sa showbiz. Masaya raw ang konsepto ng concert na alam niyang ikatutuwa ng audience.

Parang nagkakaraoke lang daw na kahit sino sa au­dience ay puwedeng sumali at makikanta.

Guest niya na ang alaga niyang si Lara Maige, pero marami raw siyang suprise guests. “Secret” lang ang sagot niya sa amin nang tinanong ko kung ka-join ba si Vice Ganda at ilang kasamahan sa It’s Showtime. “May videoke, tapos may score. May mga video na walang kinalaman sa kanta, mga ganun.

“Nag-shoot din ako sa States na wala lang, nagsa-shopping lang ako. Buong show may ly­rics, parang nasa simbahan lang,” napapangi­ting pakli ni Ogie.

Since karaoke ito, tinanong namin si Ogie kung kakantahin ba niya ang isa sa sikat na kanta sa karaoke o videoke na My Way. “Si My Way kasi, dinu-duet namin ng Tatay ko. May video pa nga ako nung buhay pa si Daddy, lagi namin dinu-duet yan. For some reason, na-record ko. Pasko nun e, nagdu-duet kami ng My Way, kasi favorite song niya ‘yun e.”

Sa ibang concerts daw niya ay kinakanta raw talaga niya ang My Way.

Iyakin kasi si Ogie. Dati raw ay naluluha pa siya kapag nakakanta niya ang My Way. Pero ngayon ay keri na raw niya.

Aware naman daw siya sa kuwento ng kantang My Way na sinasabing ‘dangerous song’ ito.
Pero ito pa rin daw pala ang madalas na kinakanta sa mga videoke.

Sa Sept. 29 na ang Ogieoke concert ni Ogie Alcasid sa Newport Performing Arts Theater ng 8 ng gabi.

Halos sold out na nga ang tickets niya.

Tanda ni Ogie, may ilang silver, VIP at Bronze na tickets na lang daw ang natira. Sold out na ang mga mas mahal na tickets na Platinum at SVIP tickets.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with