^

PSN Showbiz

Bela may nadiskubreng sakit, nawalan ng kumpiyansa sa sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela may nadiskubreng sakit, nawalan ng kumpiyansa sa sarili
Bela Padilla

Naikwento ni Bela Padilla na nagkaroon siya ng maraming tigyawat habang nasa London ilang buwan na ang nakalilipas.

Sa edad na 32 taong gulang ay ngayon lamang daw nakaranas ang aktres ng malalang breakout sa mukha. “If you saw me, my whole face was just so full of acne and it was so bad. First time ko nakita ang face ko na gano’n kalala. Hindi na ako makalabas ng bahay. I looked so bad. So when I had that breakout on my face, I didn’t know what to do. I didn’t go out for nearly three months,” paglalahad ni Bela.

Nawalan umano ng kumpiyansa sa sarili ang aktres dahil sa pagkakaroon ng hormonal imbalance. “I had PCOS (polycystic ovary syndrome) since I was 19. But in my last trip here in the Philippines, I just found out I also have hypothyroidism. “I was wondering because I work out every day. Sobrang linis ko na kumain. I found out I have hypothyroidism. Now, I’m seeing a doctor here in the Philippines who’s slowly treating me. That causes a lot of insecurities especially when you’re growing up in front of a camera. That was really hard. It took a lot. I had to change my diet again, change my skin care, because of that I’m very sensitive,” pagdedetalye ng dalaga.

Nagpapabalik-balik sa Maynila at London si Bela dahil sa kabi-kabilang trabahong ginagawa. Nasanay na umano ang aktres pagdating sa dalawang lugar na magkaiba ang klima. “When I get to London, sobrang lamig. Then here in Manila, sobrang init. I know I really need to take care of myself, my skin, my health, my mental health. Whatever way I’m doing it right now, it’s a period of cleansing for me,” pagtatapos ng aktres.

JM, sineseryoso na ang pagiging religious leader

Napapanood na ngayon si JM de Guzman sa The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Ginagampanan ni JM ang karakter ni Bro. Joseph na isang religious leader. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakagawa ang aktor ng ganitong role kaya talagang pinag-aralan niya ito. “May mga ni-research ako na religious lea­ders pero ‘di ko na lang sasabihin kung sino sila. The way they talk, the way they move, ‘yung pagiging charistmatic nila. Kasi requirement siya rito sa character ko eh, na maging charistmatic siya. Sana napo-portray ko nang maayos,” nakangi­ting pahayag ni JM.

Malaki ang pasasalamat ng binata dahil sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga kasamahan sa proyekto. Para kay JM ay magagaling at mapagbigay ang mga nakakaeksena niya sa serye. “No’ng nagkaeksena na rin po kami, sobrang generous po nila, ni Jake (Cuenca) and si Richard. Sobrang generous actors po nila sa set no’ng first day namin. Wala po akong ibang masasabi kundi sobrang grateful lang po ako na makatrabaho po sila,” kwento ng aktor.

Ayon kay JM ay nagkakaisa at nagtutulungan ang kanilang buong grupo pagdating sa trabaho. Sinisiguro raw ng bawat artista na aralin ang mga karakter bago sumalang sa eksena. “Wala rin naman po akong nagiging problema. Kasi sobrang supportive po ng aming directors bago kami isalang. They make sure na naiintindihan namin ‘yung character, ‘yung nuances, kung paano gumalaw, magsalita, Hinihimay po naming mabuti. Ang kailangan ko lang pong gawin ay makinig and to listen to my directors din,” pagbabahagi ng binata. Reports from JCC

BELA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with