^

PSN Showbiz

Belle, first time mag-concert na may live audience

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Belle, first time mag-concert na may live audience
Belle
STAR / File

Sa July 22 na gaganapin ang Beloved concert sa New Frontier Theater.

Ngayon pa lamang ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Belle Mariano para sa naturang event.

Excited na rin ang dalaga na makapagtanghal para sa kanyang magiging live audience. “Ito yata ‘yung first concert ko na physical. Seeing them there, oh my gosh, I just can’t imagine. So I’m doing a lot of preparations now. May ire-release akong songs na ako ang nagsulat. Abangan n’yo yan and may guests rin ako. Pero quiet muna ako roon, hindi muna ako magsi-share,” nakangiting pahayag ni Belle.

Matatandaang nangyari ang online solo concert ng dalaga noong 2022.

Masayang-masaya ngayon ang actress-singer dahil sa suportang ipinararamdam sa kanya ng mga tagahanga para sa bagong concert. “Nakikita ko sa Twitter nagsasabi silang sold out. So kino-confirm ko kung sold out ba talaga but may mga sold out na nga. So sabi ko, my gosh, grabe! I can’t imagine and I’m just so grateful for all the support they are giving me. I obviously won’t do this concert without them,” paglalahad ng dalaga.

Sarah at John Lloyd reunion movie, hindi pa pinagpa-planuhan

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang tungkol sa posibleng pagtatambal muli nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa isang proyekto. Nagsimula ito nang mag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng mga larawan nilang dalawa ni John Lloyd na magkasama sa opisina ng Viva.

Ayon sa President and CEO ng Viva Communications, Inc. na si Vincent del Rosario III ay talagang gustung-gusto raw nina Sarah at John Lloyd na muling magkatambal sa isang bagong pelikula. “I think both of them liked to work with each other again. I think ‘yung dalawa are friends and keeping in touch with each other. And then one day, sinabi sa amin ni Sarah na, ‘Magmi-meet kami ni John Lloyd,’ and hi-nost namin sa office,” pagbabahagi ni Vincent.

Pumatok sa mga tagahanga ang mga pinagtambalang pelikula nina Sarah at John Lloyd katulad ng A Very Special Love noong 2008, You Changed My Life noong 2009, It Takes A Man and A Woman noong 2013 at Finally Found Someone noong 2017. Sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng detalye ang Viva executive tungkol sa posibleng gawing bagong proyekto ng tambalan ng dalawa. “It’s an early stages pa lang, sana matuloy ano. Kasi kami rin wish namin na matuloy. Sila ang nagkontakan, tapos hi-nost lang namin sa opisina. So sana matuloy,” dagdag pa ni Vincent.

Abala ngayon si Sarah sa paghahanda para sa concert nila ni Bamboo na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 7. Si John Lloyd naman ay napapanood sa programang Happy ToGetHer ng GMA 7. (Reports from JCC)

vuukle comment

BELLE MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with