^

PSN Showbiz

Paolo, plakda sa ‘Cheat Bulaga’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, plakda sa �Cheat Bulaga�
BUBOY, PAOLO AT BETONG

Plakda raw si Paolo Contis noong Monday night kaya hindi ito naka-attend sa premiere night ng pelikula ni Chris Hemsworth na Extraction 2.

Invited daw si Paolo sa nasabing event at ang original plan ng actor, isama si Yen Santos.

Pero hindi na nga raw kinaya ng aktor ang pagod dahil nung Monday ang first day nito sa Eat Bulaga.

Kabilang siya sa mga host ng programa na nabugbog ng bashing na talagang personal ang naging atake.

Dahil sa kanya, bakit daw hindi na lang ginawing Cheat Bulaga ang title ng programa dahil pinagtatalunan pa rin naman kung sino ba talagang may-ari nito.

May portion din na namimigay si Paolo ng datung samantalang ‘di nga raw niya binibigyan ng sustento ang mga anak kaya talagang non-stop ang pamba-bash sa kanya nung Lunes hanggang kahapon.

Pero hindi naman daw apektado si Paolo.

Immune na raw ito at ang gusto na lang gawin ay palakasin ang Bulaga kasama sina Betong Sumaya at Buboy Villar.

Well, marami pa ring bashing kahapon pero hindi na ganun ka-massive.

Parang nahimasmasan na ang ibang netizens na pwede naman silang hindi manood para hindi na lang ma-stress sa kaka-bash sa social media.

Hahaha.

Actually, sa true lang, parang mas pinag-usapan pa nga si Paolo sa Eat Bulaga kesa kay Chris Hemsworth.

Sosyal si Paolo.

Samantala, nilinaw ni Alden Richards na walang kinalaman ang kanyang Instagram story na ‘face palm emoji.’

Ikinonek kasi ito ng netizens na reaction ito ni Alden na sumikat sa nasabing noontime show – AlDub – with Maine Mendoza sa pag-ere ng programa na iba na ang mga host.

Chika niya kay MJ Marfori ng TV5 “May pinagdadaanan lang, personal, pero small things lang naman. Nothing that I can’t handle” though sinabi niyang hindi naman ito sa trabaho.

Inulit din ni Alden sa nasabing interview ni MJ na nasa TVJ ang kanyang loyalty dahil malaki raw ang utang na loob dito na hindi niya makakalimutan.

“I have the right to defend that and that’s my stand. Because malaki po ang utang na loob ko sa kanila and my support for them will go until the end of times.”

vuukle comment

ACTOR

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with