^

PSN Showbiz

Gardo, inakalang mamamatay na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gardo, inakalang mamamatay na!
Gardo Versoza

Inakala pala ni Gardo Versoza na katapusan na ng buhay niya noong atakehin siya sa puso.

Inamin niya ito sa interview niya kay Boy Abunda na inakala niyang mamamatay na siya noong sumailalim siya sa angioplasty.

“Kasi siguro dahil doon sa heart, parang umabot ako doon sa point na parang (I’m) about to leave this world may ganoong feeling siya,” sey ng aktor.

Hindi rin niya akalain na magiging kalmado siya noong mag-agaw buhay siya.

“Ang positive thing about it is that ganoon pala ‘yung feeling, akala ko noong una nakakanerbiyos, pero come to think of it parang ibibigay mo na lahat kay Lord e, surrender,” pahayag niya.

Pinagdasal din daw niya ang kanyang mag-ina niya habang ginagawa ang procedure niya.

Hindi pala biro ang nangyari sa kanya kaya nakaramdam siya ng pag-alala kung sakaling may mangyari sa kanyang hindi maganda noon.

“Pinagdasal ko na, ‘If ever po na this is my time, kayo na po ang bahala sa mag-ina KO.’ Wala naka-relax lang [ako] habang ginagawa ‘yung procedure,” dagdag pa niya.

Naghahanda na raw siya ngayon sa kanyang ikalawang pagsailalim sa angioplasty procedure na hindi isinabay noon dahil sa nangyari sa kanyang heart attack.

Siguradong marami ang magdadasal para kay Gardo.

Pagaling ka, Gardo, isa ka sa pinakamahusay na aktor.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with