^

PSN Showbiz

Live airing ng Eat Bulaga,tinawag na fake!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Live airing ng Eat Bulaga,tinawag na fake!
Eat Bulaga

Apaw ang bashing kahapon kina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar.

Ganundin kina Cassy at Mavy Legazpi, Alexa Miro, at iba pa na napanood sa live episode ng Eat Bulaga matapos ang kontrobersyal na pamamaalam sa programa nina Tito, Vic, and Joey.

Literal na wasak-wasak sila sa netizens.

Kumbaga sagad sa buto ang inis sa kanila ng mga sumubok manood sa programa na ilang araw na ring nagre-replay matapos kalasan ng original hosts.

Hindi bet ng televiewers / netizens ng Eat Bulaga ang mga bagong host nito.

Kaya naman nag-trending ito (#EatBulaga) kahapon sa Twitter, nag-number 1.

Na majority sa mga comment at tweet, disappointment, galit, inis, etc.

Parang peryahan lang din daw ang peg ng prog­rama.

Maging si Sen. JV Ejercito ay napa-comment ng “ The “new” Eat Bulaga! Parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents. Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc… Eat Bulaga is really TVJ.”

Tinawag naman ng ibang fake Eat Bulaga ang umere ng live kahapon.

Oo nga naman at gamit daw nila ang logo, opening song at kung anu-anu pang identified sa original Dabarkads pero mananatili raw silang fake sa paningin ng fans.

Nag-tweet din si former Sen. Tito tungkol sa copyright na “International Copyright dictates that CREATORS are rightful owners whether applied for or not. Nostradamus never filed for copyright. Let anyone try to apply for it. He will be looked upon as a fool.”

Naglabas din ng ‘proof’ ang anak ni Joey de Leon na si Jako sa original logo nito. “Sina Tito, Vic at Joey”

“One of the original logo’s of @eatbulaga1979 designed by my dad @angpoetnyo and Vic J. Delgado, who was in the art dept at the time.

“Fact: The title of the show coined and created by JDL as well as a portmanteau to the kid’s game “It Bulaga” and EAT cause he figured that’s what you’re doing at noon time. (My dad liked mixing Tagalog and English to title some of his shows - Iskul Bukol, Wow Mali, etc)

“Another Fun Fact: E and A’s are 9’s. for their first network RPN-9 (1979-1989). I’m sure you can immediately tell who thought of that part.”

May lumabas ding Tweet ang supposedly ay account ng EB na “Dabarkads, ngayong araw po! Nasaksihan ninyo ang dadagdag sa history ng Eat Bulaga. Walang TVJ at DABARKADS at Kami po ay nag LIVE rehearsal!

“Simula ngayong araw asahan pa ninyo ang ISANG LIBO’T ISANG BWISIT na pananghalian ninyo! #EatBulaga.”

Pang-asar lang daw ‘yun para sakyan ang netizens ng programa.

Sa true lang marami talagang nanibago sa Eat Bulaga at naawa sa mga host na tumanggap ng bashing mula ulo hanggang talampakan. Kaya ang request nila, palitan na lang ang title nito dahil ang Eat Bulaga is TVJ and TVJ is Eat Bulaga.

Samantala, nauna nang sinabi ng TV host at dating pulitiko nitong Lunes na kasalukuyang nakikipag-usap ang kanilang kampo sa ilang network at maaaring ianunsyo sa lalong madaling panahon ang bagong network ng longest-running noontime show.

“We have yet to decide. We agreed among ourselves na by June 7 we will be ready to announce,” banggit ni Tito Sen sa CNN Philippines’ The Source.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with