^

PSN Showbiz

Alden, mas busy sa nag-backout na leading lady

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, mas busy sa nag-backout na leading lady
Alden Richards

Talagang tanghali na ako nagising kahapon.

Masakit pa rin ang mata ko na may kuliti, at dahil yata rito kaya masakit pati ulo ko.

Kainis talaga mga nararanasan ko ngayon ha, parang hindi makatarungan para sa isang 76 na magkaroon ng ganitong kuliti, parang nakakaloka.

Ewan ko ba pero feeling ko self-pity ito dahil sa mga nararam­daman ko.

Parang inaapi ako ng panahon. Kaya gusto kong awayin ang fat ladies na tiyak ko ipinakukulam ako kaya ako nagkakuliti.

Hahahaha.

Dahil hindi sila sa lawyer nag-consult, sa mangkukulam. Charrsss.

Naku hanap ako ng mambabarang para labanan sila.

Pero kahit na masakit ang mata ko, ‘di ko pa rin maisip kung bakit tinanggihan ng isang aktres ang pelikula na leading man si Alden Richards?

Busy daw si aktres. Pero saan siya sa busy? Sa pagpo-post ng date nila ng kanyang jowa? Kaloka. San nga ba siya abala? Si Alden ‘yun noh? Sa totoo lang, saan nga ba busy ang actress na ito? May serye ba siya o pelikula?

Naku baka malimutan na siya ng fans noh. ‘Wag na siyang mag-feeling sikat pa. Ang sure ako mas bongga ang career ni Julia Barretto kesa sa aktres na ‘di ko papangalanan para mas exciting at hulaan ninyo. Hahahaha.

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with