^

PSN Showbiz

Max at Pancho, nag-reunion sa moving up day ng anak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Max at Pancho, nag-reunion sa moving up day ng anak!
Skye at Max

Ang ganda namang tingnan nina Max Collins at Pancho Magno. Umattend sila sa preschool moving up day ng anak nilang si Skye.

Sa caption ng post ng aktor: “We are sooo proud of you @skyecollinsmagno Love Mommy @maxcollinsofficial and Daddy”

Matagal na ang haka-haka na hiwalay na ang dalawa magmula nang hindi sila nagpo-post ng litrato na magkasama. Hindi na rin sila noon sabay magselebrayt ng birthday ng anak na lalong nagpalakas ng isyung wala na sila. Hindi sila nagsasalita tungkol sa kanilang relasyon noon tuwing may umiintriga sa kanila, pero kailan lamang kinumpirma ni Max ang paghihiwalay nila. Nilantad ng aktres sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda ang tungkol dito.  Nangyari raw ito noong pandemic at hindi naging madali ang hiwalayan nila.

Ayon sa aktres ay super okay na raw sila ngayon at naiintindihan na ng bata ang kanilang co-parenting setup.

Mukhang maayos na nga ang relasyon ng dating mag-asawa. Lagi kong sinasabi na mas maganda ang ganito na maging friends ang mga dating magkarelasyon kesa mag-away kagaya ng ibang mga celebrity.

Hindi maganda na humantong pa sa pagpapalitan ng kung anu-ano pang masasakit na salita dahil ang bata ang laging apektado.

Bongga.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with