Max naibahan sa action/drama, Bong kinabahan!
Umpisa na ngayong gabi ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis starring Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
“I’m very excited pero nandoon pa rin ‘yung kaba. Kapag kinakabahan ako, ibig sabihin maganda ang ginagawa namin. So I’m very thankful sa lahat ng mga bumubuo ng show. Lahat sila nag-fit sa roles. Kung hindi man mapantayan ng show na ito ang iconic movie, masasabi kong nalagpasan pa. Sigurado akong maiibigan ito ng mga manonood kasi pilot episode pa lang, action packed series na ang mapapanood ng viewers” shares Senator Bong.
Playing an important role is Beauty Gonzalez as Gloria, showing off her comedic side in her role as a tough, determined, and resilient woman.
Grateful naman si Beauty na napunta sa kanya ang role ni Gloria and her experience working with Sen. Bong Revilla, “Nung nalaman kong ako ang napili rito, happy ako but I was really thinking kung paano ako makipag-interact kay Sen. Bong. We all know that he is a Filipino icon, an action star, a senator. At sa seryeng ito ako ‘yung matapang niyang asawa. Then nung first day ng taping namin, the more na nakilala ko si Sen. Bong, napakabait niya, very boy-next-door kaya hindi ako magtataka kung bakit siya matinik.”
Starring din ang Sparkle leading lady Max Collins as Elize. Max reveals what to expect in this series, “Ngayon na lang ulit ako sasabak sa comedy series after a while. But kakaiba ito kasi may action and drama kaya perfect for the whole family. There is something for everyone.
- Latest