^

PSN Showbiz

Kris, madaling paligayahin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, madaling paligayahin
Kris Aquino

Talagang kahit love/hate kami ni Kris Aquino, mas matimbang pa rin ang love dahil hanggang ngayon basta special occasion imposible talagang hindi ka niya maalala.

Kaya kahit anong sabihin, hindi mo talaga puwedeng itakwil si Kris dahil totoong sweet at caring siya. Impulsive at kung minsan tactless, pero wala siyang mean bone.

Never siyang nag-wish ng masama sa kapwa niya, at kung ano ang feeling niya sa iyo ipinapakita niya at wala siyang kaplastikan sa katawan.

Civil siya kung hindi niya gusto ang tao, pero never niya itong ipa-plastic na kunwari gusto niya.

May pagka-possesive at selosa, pero never naging selfish. Kaya nga masarap siyang kausap dahil freely mabibigay mo ang opinyon mo.

Napakadali pang paligayahin ni Kris dahil mababaw lang mga gusto niya. At napaka-generous niya sa mga kaibigan niya.

Sana nga makita na niya ang happiness sa isang partner sa buhay dahil ito lang ang kailangan para maging kumpleto ang buhay niya.

Mahilig si Kris sa isang sandalan, ‘yung laging puwede niyang kausapin, hingahan ng nararamdaman. ‘Yung nasa beck and call niya anumang oras, ‘yung siya ang priority.

Kaya naman hanggang ngayon hindi pa niya nakikita, pero parang merong konting kilig ‘yung sa kanila ni Mark Leviste. Mukha namang mabait at very attentive si Mark at kahit paano ka-level ng ranking ng mga Aquino ang social standing. Sana nga sila na.

vuukle comment

ACTRESS

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with