^

PSN Showbiz

Paolo, ayaw tantanan kay LJ!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, ayaw tantanan kay LJ!
Paolo at LJ
STAR/ File

Nakakatawa na hanggang ngayon tinatanong pa rin si Paolo Contis tungkol kay LJ Reyes. Matagal nang hiwalay ang landas ng dalawa. May kanya-kanya na silang buhay.

Palagay ko naman maligaya na sila sa kanilang mga bagong journey sa buhay.

Ok na si LJ Reyes na mukhang nakatagpo na ng bagong pag-ibig. Happy naman si Paolo Contis kay Yen Santos.

Mukhang naka-move on na sila at nakalimutan na ang mga nangyari sa nakaraan kaya hayaan na natin sila basta masaya sila.

Kaya wala na sigurong problema. Your happiness is your choice. What will make you happy, ikaw lang ang puwedeng mag-decide.

Kaya kung saan sila maligaya, doon sila. Sa­yang naman ang oras nila kung hindi nila matagpuan ang taong magbibigay ligaya sa kanila.

Pero sana this time, ‘yung totoo na, ‘yung talagang para sa kanila na ang matagpuan nila.

Masarap lang lakbayin ang buhay kung kasama mo ang taong mahal mo. Masarap harapin kahit anong pagsubok kung katabi mo ang mahal mong tao. Kaya nga sana, now nakita na nina LJ at Paolo ang mga mamahalin nila habang buhay.

Dapat pareho silang maligaya sa journey nila, dahil iyon ang pinili nila. How sad naman kung hanggang ngayon maging mailap pa rin sa kanila ang happiness. Hayaan natin silang lumigaya.

Kung anuman ang mahanap nila para sa kanilang puso, sana iyon na, pangmatagalan na. Forever na.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with