^

PSN Showbiz

Paolo, masaya para sa ex!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, masaya para sa ex!
Gorgy, Paolo, Lynette, Salve, at Lolit

Naabutan namin si Paolo Contis sa FEU Hospital dahil dinalaw niya ang manager at nanay-nanayan niyang si Manay Lolit Solis.

Natawa na lang siya nang tinanong ko tungkol sa ipinost ni LJ Reyes sa proposal sa kanya ng non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Bago ko siya kinulit para hingan ng pahayag tungkol sa dating karelasyon, ang dami na raw tumawag sa kanya para hingan siya ng reactin, pero hindi na siya nagbigay ng komento.

Pero malamang na mabubuhay na naman ang bashers niya. Pero bakas naman sa mukha ni Paolo na masaya siya sa dating karelasyon. “Masaya ako for her. Kasi, deserve niya maging masaya,” tipid na pahayag ni Paolo.

Ayaw na niyang magdagdag pa ng sasabihin, kahit alam naming ang tanging hangad lang niya ngayon ay makita na niya uli ang anak na si Summer, pati na rin ang dalawa pa niya kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene.

Mas focus ngayon si Paolo sa trabaho.

Ang Bubble Gang at All-Out Sundays ang programa niya sa GMA 7.

Thankful siya sa Mavx Productions dahil sunud-sunod ang pelikulang gagawin niya. Tinatapos nila ngayon ang pelikulang pinagsamahan nila nina Kaye Abad at Patrick Garcia na wala pa ring napagkasunduang title. May mga eksena silang kinukunan dito sa Maynila, at ang kasunod ay sa abroad na.

Nakita namin sa ilang nai-post nila na nasa set nila si Ogie Alcasid. Ayaw pa nilang kumpirmahin sa amin kung may special participation ba si Ogie sa kanilang pelikula.

Bago pala lumipad sa ibang bansa sina Paolo para sa shooting nitong pelikula, magpu-promote muna siya ng pelikula nila ni Joross Gamboa na Pangarap Kong Oscars na magsu-showing na sa mga sinehan sa June 28.

Jeric, tanggap na si Aljur

Kasali pala si Jeric Raval sa bagong action comedy series ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7 na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Natutuwa si Jeric dahil mapapanood na raw siya ngayon sa Kapuso network. Madalas kasi ay nasa Kapamilya siya, kaya nae-excite raw siya rito lalo na’t kasama niya si Sen. Bong.

Sa nakaraang mediacon ng naturang action-comedy series, muling naungkat ang isyung may apo na siya sa anak na si AJ Raval.

Ipinagkibit-balikat na lang ito ni Jeric, dahil hindi naman daw nila ito itatanggi kung totoo. Hindi raw malayong pagdudahan si AJ dahil sa nakukunan minsan na may bitbit siyang bata. “Kasi ganito ‘yan, ang apo ko lahat 11. Eleven lahat ang apo ko. E ang daming bata dun sa bahay. E si AJ minsan, kung sinu-sinong maliit na bata ‘yung karga, e lahat ‘yun anak niya,” napapangiting pahayag ni Jeric.

Kaya hindi na raw naapektuhan ang anak niya sa ganitong tsismis.

“Ang sinasabi ko lagi sa anak ko, kahit nung bago pa siyang mag-artista, pinasok mo ang pag-aartista, ready ka sa critics, sa bashers. Ready ka dapat sa intriga, handa ka dun. Kapag ikaw ay hindi matibay diyan, hindi ito ang mundo para sa ‘yo. Hindi maiwasan ‘yan. Walang perpektong mundo,” pahayag ng action star.

Nilinaw na rin sa amin ni Jeric na nasa Viva pa rin daw si AJ, pero hindi raw siya ganun ka-all out sa sexy roles. “Hindi na masyadong sexy, dahil ayaw na niya ng sexy. Isa lang ginagawa niya ngayon, medyo action, action sexy, pero hindi na kagaya ng dati,” pakli niya.

Okay naman daw sila ni Aljur Abrenica at minsan ay sinasamahan daw ng aktor kapag may raket si AJ sa out of town. “Hindi naman talaga siya kasama sa event,” sabi pa ni Jeric sa nakaraang mediacon ng Walang Matigas... na magsisimula na sa June 4, Linggo ng gabi.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with