^

PSN Showbiz

Max, kampante nang sagutin ang hiwalayan nila ni Pancho

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Max, kampante nang sagutin ang hiwalayan nila ni Pancho
Max Collins at Sen. Bong Revilla

Matagal nang napapag-usapan ang tungkol sa hiwalayang Max Collins at Pancho Magno, pero hindi lumaki ang isyung ito dahil walang nagsasalita sa kanila.

Tuwing may presscon sa programa na kasali ang isa sa kanila, ipinapakiusap na huwag nang talakayin ang isyung hiwalayan.

Sa nakaraang mediacon ng bagong sitcom ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, naging kampante si Max na sa aming tsikahan bago nagsimula ang programa.

Ang ganda ng pagpayat niya at napapanatili ang kaseksihan, kaya kinumusta na namin ang kalagayan niya ngayon pati ang pagiging mother ng nag-iisang anak nila ni Pancho.

“It’s very difficult but fulfilling,” pakli ni Max.

“I think, lahat naman ng nanay na nagtatrabaho ‘yun ang masasabi nila. It’s very fulfilling being a mother, but at the same time difficult because, siyempre ‘yung anak mo ang laging nasa isip mo. You’re always worried, thinking about your child, but at the same time, I like having both worlds e. Being able to get out of showbiz, and be a mom, and be a simple person. And then at the same time, when it’s time to work, I can have playing this character. So, I enjoy juggling both worlds,” sabi pa ni Max.

Pagdating sa co-parenting nila ni Pancho, maayos ang mga sagot niya kahit na hindi detalyado tungkol sa kalagayan nilang mag-asawa.

Okay naman daw sila ni Pancho at naintindihan na raw ng kanilang anak ang kanilang sitwasyon.

“We’re very okay. You know, we’re super okay… eto na, eto na,” napapangiting sagot ni Max dahil nakikita na niyang mapupunta na sa kanila ni Pancho ang usapan.

“I’m super happy. I’m super at peace. We are very good. We’re very good and we’re very good.

“We have such a bright son, who is also very happy. And I know that Pancho is very happy as well. So, I think we’re both in a good place right now,” saad ni Max.

Wala raw isyu sa kanilang co-parenting, at adjusted na ang kanilang anak.

“I think, sa ngayon pa lang naintindihan na niya. Because he seems to have no problem with it with our situation. So, I’m happy that he’s happy and we’re all good.”

Ayaw na lang idetalye ni Max ang kalagayan nila ni Pancho. Ang mahalaga ay hindi sila nagkulang bilang magulang ng kanilang napakaguwapong anak na si Skye.

“Yeah! You don’t need to know the nitty gritty things, but to be honest we are all very happy and there’s really nothing ahh bad about it what we have now as a family,” pahayag pa ni Max na gumaganap bilang si Elize.

Magsisimula na ang naturang sitcom sa June 4 ng 7:50 ng gabi.

Pabiro naman ang sagot ni Sen. Bong Revilla na sinabi niyang hango raw sa kuwento ng buhay niya itong action-comedy series niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Pero malapit sa kanya ang project na ito dahil naka-dalawang pelikula sila rito ni Cong. Lani Mercado, na parehong nag-hit sa takilya.

Halos may kapareho rin sa dalawang pelikula itong bago nilang sitcom, pero ibang-iba ang atake na dinirek nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.

Base sa teaser at ilang clips na ipinakita sa nakaraang mediacon, mukhang kinarir nila nang husto.

Sa action scenes pa lang, ang lakas ng dating.

Bong, kabado!

Parang bumagay ang lahat na cast na bahagi ng bagong show na ito sa GMA 7.

Kaya kinakabahan si Sen. Bong.

“Nandun pa rin ‘yung kaba. Natural na sa akin ‘yun. Pag hindi kabahan, mas natakot ako nun. ‘Pag kinakabahan ako, sa tingin ko maganda ‘yung ginagawa natin,” bulalas ni Sen. Bong.

“So, I’m very thankful sa lahat ng bumubuo, sa GMA ano? Sa ating direktor, direk Enzo (Williams), direk Frasco (Mortiz), sa lahat ng buong cast, na talagang of course Beauty, ang galing galing niya. Nagampanan niya yung role niya bilang Gloria, of course si Max, si Tiya Lucing si Carmi, ang galing din.

“Hindi natin maiiwasan ‘yung naku-compare dun sa movie. Pero sa tingin ko, kung hindi man mapantayan, malagpasan pa.

“So, ganun no? That’s why, ninerbiyos pa rin, nandun ‘yung kaba, pero naniniwala ako na magugustuhan ito ng ating mga manonood,” dagdag na pahayag ni Sen. Bong Revilla.

Bukod kina Beauty Gonzalez at Max Collins, ang tindi ng support dito nina Carmi Martin, Bembol Rocco, Jeric Raval, Niño Muhlach, Raphael Landicho, at magka-loveteam na Kate Valdez at Kelvin Miranda.

May mystery guest pa sila na hindi muna nila niri-reveal. 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with