Paolo, kumikita ng halos P200,000 a week sa negosyo
Ang ganda ng photos na ini-upload ni Paolo Contis kasama sina Patrick Garcia and Kaye Abad.
Binubuhay nila ang Tabing Ilog sa pelikula.
“Si Tupe, Shayne, at Bryan… SOON!,” caption ni Paolo sa pelikulang sino-shoot ng OG Tabing Ilog characters.
Samantala, tatahi-tahimik si Paolo pero ang dami pala niyang raket.
Nabasa ko sa mga post niya na kumikita ang actor ng almost P200,000 a month.
Yup, though advertisement lang ‘yun pero I’m sure ‘di naman ‘yun i-e-endorse ni Paolo kung ‘di totoo.
ASAP, ‘Di pa rin nagpapahuli
Hinding-hindi pa rin pahuhuli ang best-of-the-best acts ng Kapamilya stars at guest artists, tampok ang mga nagbabagang pasabog nina Shaina, Lovi, Yassi, at marami pang iba ngayong Linggo (May 28) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Tutukan ngang muli ang nagbabagang sultry sayawan ng ASAP OG dance idol na si Shaina Magdayao na sasabayan ng pagbirit nina Lara Maigue at Allison Tanner, pati ang mainit-init na solo treat ni Lovi Poe. Balikan din ang pasiklab ni Yassi Pressman, na susundan ng dancefloor tapatan nina Jennica Garcia at Jane Oineza.
Bilang pagpupugay sa musika ni Tina Turner, balikan dito ang tribute nina KZ, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Lara Maigue, Frenchie Dy, Sam Mangubat, at iDolls para sa Queen of Rock and Roll.
- Latest