^

PSN Showbiz

Kakaumpisang programa, hinulaang anim na buwan lang tatagal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kasisimula pa lamang ng bagong show na ito pero hinuhulaan nang hindi ito magtatagal sa ere.

Ang lala nga ng hula ng iba, six months lang daw, magbababu na ito. Pero karamihan ay nagsasabing mahaba na ang isang taon sa programang ito.

Paano sa simula pa lang ay parang ang nega na raw ng dating nito, at meron na ngang nag-resign na staff at hindi na nila itinuloy ang trabaho sa programang ‘yun.

Hindi sila bilib sa main host nitong programa na nakadepende lang daw sa teleprompter.

Bukod pa riyan, walang pumapasok sa commercial ads at waley rin sa ratings.

Bukod sa hindi raw type ng mga advertiser ang format ng show at may isa silang kasama sa naturang show na hindi nila nagustuhan.

Kaya hangga’t nandun itong isa sa mga kasamahan nila sa show, malabong papasukan ito ng commercial.

Kaya naku-curious tuloy kami sa programang ito. Kapag may chance, talagang pinapanood namin para makita kung nag-i-improve ba. Pero parang wala pa ring nababago, ganun pa rin at mukhang nanganganib na nga ito.

Tingnan na lang natin kung paninindigan ito ng TV executives dahil ideya talaga nila ang programang ito.

Teen stars Nnasina Will at Bianca, nadiskubre ang kilig sa Unbreak...

Nabuo ang magandang friendship ng lahat na mga artista at production staff ng bagong teleseryeng Unbreak My Heart, collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN kasama ang VIU.

Isa na rito ang tandem ng mga batang artistang sina Bianca de Vera ng ABS-CBN at si Will Ashley ng GMA 7 na mag-partner sa Unbreak My Heart at may moments sila sa teleseryeng ito.

Ang nakakatuwa, tinutukso na silang dalawa nung nakaraang mediacon, at merong mga kinikilig.

At hindi lang sila sa taping nagkasama kundi sa iba pa nilang lakaran tulad nung nakaraang All-Star Games ng Star Magic.

Inimbita si Will nina Bianca na manood.

Nung nakaraang celebrity premiere ng Unbreak My Heart na ginanap sa Trinoma, nagkaroon pa sila ng dinner sa Seda Hotel. At pagkatapos ng dinner ay nagkayayaan pa silang mag-karaoke at nakikita sa social media na sobra silang nag-enjoy.

Merong kuha na kinakantahan ni Will si Bianca, kaya lalo silang natutukso ng mga kasamahan nila.

“’Yung time na rin ‘yung parang may bet si direk Manny sa akin na kapag nakakuha kami ng 95 sa Karaoke, meron kaming libreng plane ticket. Parang nung time na ‘yun, sakto parang kumakanta ako, natapat sa akin ‘yung camera. Ayun! Masaya lang kami,” parang nahihiya pang pahayag ni Will.

May mga kaabang-abang silang moments sa Unbreak My Heart, at hindi lang love story ng karakter na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia at Gabbi Garcia ang tututukan, kundi pati ang kuwento nila

“I don’t wanna spoil about it too much, but it reminds me a lot of Romeo and Juliet,” sabi ni Bianca.

Kaya tinanong na rin namin silang dalawa na kung sakaling nakabuo na ng fandom ang kanilang tandem, at puwede talaga silang maging loveteam, posible kayang magtambal ang nasa dalawang magkaibang TV network?

Pahayag ni Bianca, “Sabi ko sa kanya (Will), after this project magiging friends pa kaya tayo?

“I feel like… Unbreak My Heart opens so many gates for more collaborations. I think, hindi naman imposible na magka-work kami ulit. And if ever that day comes, siyempre open naman ako. And comfortable naman ako na working with him.”

Bukas din si Will sa ganung posibilidad.

“Siguro po, open kami sa ganun, ako personally. Kasi, ang tagal ko rin pong na-stuck sa pagiging teen ganun.  Ngayon, gusto kong i-explore ‘yung sarili sa ganun kung mabibigyan kami ng chance, why not,” sabi naman ni Will.

Kaya tiyak na magkakaroon talaga ng kasunod na isa pang magandang collaboration ang GMA 7 at ABS-CBN lalo na’t kapag maganda ang kalalabasan nitong Unbreak My Heart.

Sabi nga ni Jodi, natapos na raw ang rivalry ng dalawang malaking TV network.

“I think it’s the end of rivalry really. I mean now, we can… you know share artists and talents. And you know everyone has just given the opportunity to work, and I said kanina nga na, it’s really you know, more of job opportunities for this industry that we have grown up. And I think bukod din po sa atin¡`¡g mga artista at mga tao na parte ng industriya. Siyempre rin ang pinakamag-benefit sa napakagandang partnership nito ay ang ating mga manonood, ‘di ba?” pahayag ni Jodi Sta. Maria.

Sa May 29 ng 9:35 ng gabi ay mapapanood na ang Unbreak My Heart, sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies.

vuukle comment

WILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with