Kathryn, makakalaban sina Song Hye-Kyo, Song Joong-Ki at Park Eun-Bin sa Seoul International Drama Awards!
Sosyal si Kathryn Bernardo.
Siya ang nag-iisang Pinoy na nominado para sa Outstanding Asian Star award kalaban ang Korean stars na tulad nina Song Hye-kyo, Song Joong-ki and Park Eun-bin sa gaganaping 2023 Seoul International Drama Awards.
Kabilang din ang mga nominado ang iba pang Korean stars tulad nina Lee Je-hoon at Yoon-ah; Lai Ter-Chien, Wanghedi and Shuxin Yu ng China; Nichkhun ng Thailand; Tsuyoshi Kusanagi and Kento Yamazaki ng Japan; Vivian Sung ng Taiwan.
Ang mismong organizer nito ang naglabas ng press release sa social media.
May botohang magaganap sa pamamagitan ng Idolchamp kaya may chance si Kathryn. Mag-uumpisa ang botohan sa June 15 to July 14. Pero sa September 21 pa ang awarding ceremony.
Maalalang nanalo ng ganitong award si Belle Mariano last year dito.
- Latest