^

PSN Showbiz

Glaiza, nagiging taga-hugas ng pinggan sa coffee shop ng mister

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Glaiza, nagiging taga-hugas ng pinggan sa coffee shop ng mister
Glaiza
STAR/ File

Ah tumutulong pala si Glaiza de Castro sa negosyong coffee shop ng kanyang mister sa Baler.

Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda last Tuesday ay nabanggit niya kay Kuya Boy na pati ang paghuhugas ng plato ay ginagawa niya.

Malakas daw kasi ang nasabing coffee shop, Brew Box Baler, lalo na nung Holy Week, na pag-aari ng mister na si David Rainey.

At nakikita raw siya ng mga taong naghuhugas ng plato.

Bukod dun ay naghahanda rin daw siya ng mga food pero hindi pa siya nagpe-prepare ng coffee.

Aniya ang sarap ng experience na nagagawa niyang tumulong sa kanilang negosyo at the same time ay nagagawa niya ang trabaho sa showbiz kung saan simula sa Lunes, Mayo 8, ay mapapanood na ang kuwento ng pagmamahalan at paghihiganti sa paparating na serye sa hapon ng GMA Network, ang The Seed of Love ng Sparkle prime actress at Mike Tan with Valerie Concepcion and Boy2 Quizon.

Ang The Seed of Love ay susundan ang kwento ni Bobby (Mike) na nagpasya na ipa-freeze ang kanyang semilya dahil sa cancer scare habang siya ay nasa isang mahaba at nakakapagod na relasyon sa isang bratty socialite na si Alexa (Valerie) na nauwi sa hiwalayan.

Hindi nagtagal, nakilala ni Bobby ang optimistic at mapagmahal na si Eileen (Glaiza). Nag-blossom ang kanilang pagmamahalan at hindi nagtagal, ikinasal ang dalawa.

Pero gagawin ni Alexa ang lahat para sirain ang mag-asawa at maibalik ang dating nobyo.

Catch The Seed of Love beginning May 8, Mondays to Fridays at 4:05 p.m. on GMA Afternoon Prime.

Anyway, bukod sa nasabing coffee shop ng mister ay may sariling bed and breakfast business din si Glaiza sa Baler.

vuukle comment

BALER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with