^

PSN Showbiz

Asawa ng aktres, pinagsususpetsahan sa pera

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Asawa ng aktres, pinagsususpetsahan sa pera
Alan Peter, Pia Cayetano at Boy Abunda

‘Pag may suspetsa ka, explore mo!’

Ganto raw ang kaso tungkol sa asawa ng isang actress na naghahanap ng mga investor.

May impluwensiya ang nasabing husband ng actress pero ‘yun nga raw, suspicious dahil walang malinaw na plan ang mga negosyong hinahanapan nito ng investors.

At halos ganito rin ang tinalakay sa huling episode ng CIA with BA.

I-explore mo ba o magsasalita ka ba kung ang kakilala mo, lalo na kung bata, ay nakararanas ng pag-abuso o mananahimik ka na lang?

Ito ang isa sa mga kasong pinag-usapan sa huling episode ng programa kung saan may isang concerned citizen na humingi ng payo mula sa magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda, kung ano ang tamang gawin para matulungan ang labing-apat na taong gulang na babae mula sa kanilang lugar na ginagahasa at inaabuso ng isang mag-ama.

“Kung meron talagang napakasamang nangyayari sa lipunan, minsan ayaw nating pag-usapan kasi masakit, devastating.. pero ‘pag hindi natin pinag-usapan, lalong mangyayari,” wika ni Senador Alan.

“‘Pag merong indicators na nakikita—kaibigan ka man, kapitbahay o dumaan ka lamang sa bahay—’pag nakakita ka ng indicators na merong isang batang inaabuso, stand up for that child. Magsumbong. Ipaalam,” diin naman ni Kuya Boy.

Sang-ayon sa kanyang mga co-host si Senador Pia, at sinabing “sa pinag-usapan natin na ‘pag may nakita ka nga, ‘pag may pakiramdam ka, may gut feeling… may scientific study daw talaga na ‘yung nararamdaman mo sa tiyan mo, galing ‘yan sa utak mo eh.”

Pinaalalahanan ni Senador Alan ang mga manonood na kapag may suspetsa sila, “explore mo. Nothing wrong to investigate, to explore. So don’t ignore, but don’t jump to conclusions.”

Napapanood ito tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with