^

PSN Showbiz

Marco, laging handang mag-mentor

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahigit isang dekada nang aktibo si Marco Gumabao sa show business.

Maraming proyekto na rin ang pinagbidahan ng aktor. Kapag mayroong mga baguhang nakakatrabaho ay talagang tinutulungan daw ni Marco ang kasama sa kanilang mga eksena. “If given the chance to teach or mentor someone, I’m more than willing to do it. Kasi doon ako nanggaling eh. I know how it feels. Kasi maraming artista na kapag nagkamali sa set, kakabahan na. especially for example. If veteran actress or veteran actor ‘yung kaeksena nila. Tapos nagkamali sila ng one time, two times, tuluy-tuloy na ‘yan eh, chain reaction until hindi mo na magagawa nang maayos ‘yung eksena. So it’s very important for the veteran actors, actresses to guide the newcomers. Lahat naman tayo hindi magaling no’ng una. Lahat tayo nagpe-fail,” paliwanag ni Marco.

Mahalaga rin para sa aktor ang paggalang o respeto para sa mga beteranong artista na nakakasama sa trabaho. “Ang tagal na nila sa industriya kaya deserve talaga nila ‘yung respeto ng mga katulad naming baguhan pa lang. Naiintindihan ko ‘yung iba na ang pakiramdam nila ay parang nababastos sila or dinadaan-daanan lang.

“Kasi importante talaga ‘yung magbigay-pugay ka. A simple hello or simple smile, ‘yung magpakilala ka lang. Kasi hindi rin naman lahat ng artista ay kilala ka. Especially sa mga veteran actresses or actors, ang dami na nilang na-accomplish. ‘Pag nasa set kayo, always show respect, always show that you’re ready in terms of memorizing the scripts and come prepared. Kailangan lagi ka ring mag-po, mag-opo, greet your elders. It’s all about giving respect to your elders and treating others the way you want to be treated as well,” makahulugang pahayag ng binata.

Noong baguhan pa lamang ay mayroong isang karanasang hindi makalilimutan si Marco. “We were in ABS-CBN, sa restaurant. Tapos nag-hi ‘yung ibang cast members do’n sa isang press, and I didn’t know who the person was because bago pa nga ako. Nagkaroon ako agad ng write-up na snob daw ako. I messaged the press person personally. ‘I’m sorry, hindi ko po kayo kilala. I’m just new here. Hindi ko po kayo kilala. I’m just new here.’ Up until now, okay na kami, wala na kaming problem,” nakangiting kwento ng aktor.

Wilbert, naranasang makitira sa squatter’s area

Hindi naging madali para kay Wilbert Ross ang pagsabak sa show business noong 2016. Nakabase sa Davao ang aktor kaya kinailangan pang makitira sa pinsang nasa Novaliches. “He was a construction worker. Wala talaga akong kilala sa Manila. Tabi-tabi kaming matulog sa bahay nila. Ang mga katabi ko, kapatid ng asawa niya na construction worker din. Shoulder to shoulder lang kami matulog. Abot ng paa ko ‘yung wall. Gano’n kaliit lang ang place nila. They were in the squatter’s area. Tapos apat na sakay bago ako makarating sa ABS-CBN. Isipin n’yo na ako probinsyano at first time pumunta ng Manila,” pagbabahagi ni Wilbert.

Dumating din sa punto na gusto nang talikuran ng binata ang nasimulan. Matatandaang napabilang si Wilbert sa grupong Hashtags na napapanood sa It’s Showtime noon. “Sabi ni Mama sa akin, ‘Anak, umuwi ka na lang dito. Ipagpatuloy mo na lang ang pag-aaral mo kaysa mahirapan ka diyan.’ Tiniis ko lang talaga. Gusto ko talaga dito sa showbiz kung may gagawin ako sa buhay ko at mapapagod din ako, at least masaya ako sa ginagawa ko. Gusto ko ang ginagawa ko,” giit niya.

Magdadalawang taon nang nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency, Inc. si Wilbert. Nakapagbida na rin sa ilang pelikula ng Vivamax ang aktor kaya masayang-masaya sa takbo ng kanyang karera ngayon. Reports from JCC

 

vuukle comment

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with