^

PSN Showbiz

Christopher, hindi inisnab si Rey

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher, hindi inisnab si Rey
Christopher de Leon

Hanga ako kay Rey Valera. Matagal na rin siya sa showbiz pero hanggang ngayon grabe pa rin ang dating ng mga kantang ginawa niya.

Kaya hindi kataka-taka na ginawa itong movie at bongga ang suportang nakuha niya sa mga artista ha, ang daming guests ng pelikula niya.

Pati nga si Christopher de Leon talagang naglaan ng araw para makalabas sa movie niya.

Maganda naman daw ang kinalabasan nito. Sana naman pasukin ng fans ni Rey Valera ang pelikula para masundan pa ang ginawa ng producer na marami raw balak gawin para uminit uli ang pelikulang Pilipino.

Sa rami ng naging guests dito siguro naman mag-e-enjoy ang mga manonood.

Bong, may pinaghahandaan

Talagang isa si Bong Revilla na very close sa showbiz writers kaya gusto talaga niya na magkaroon ng araw kung saan kasama at kausap niya ang kaibigang writers.

Pero sayang dahil hindi ‘yun natuloy na naka-schedule sana ngayong araw.

Parang member ng pamilya ng mga Revilla ang ibang press na lagi na ay included sa anumang bagay na nagaganap sa kanilang pamilya.

Kung natuloy, malamang na pag-uusapan ang serye na papalit sa nagtapos niyang Agimat ng Agila, o kaya ay mga bagong project niyang ginagawa bilang senador.

Napakaraming puwedeng pag-usapan kay Bong kaya kulang ang isang lunch o dinner para matapos ang kuwentuhan.

vuukle comment

CHRISTOPHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with