Bongga... ‘di ginawang vlog... Enrique namigay ng datung sa mga katutubo!
Namudmod ng datung si Enrique Gil sa isang lugar ng mga katutubo.
May mga kumalat na video na kuha sa lugar kung saan nga dumating si Enrique na sinalubong ng marami at namigay ng cash.
Base sa video, tig-100 ang mga ito.
Sa Bataan daw ang lugar na ‘yun ayon sa isang malapit kay Enrique.
Actually, hindi lahat ay katutubo ang nasa lugar.
Pero as expected merong mga nang-bash na kuripot pala ang actor dahil tig-100 lang ang pinamigay.
Pero ang maganda sa ginawa ng actor hindi siya nag-upload sa social media accounts niya. Well as of this writing walang upload.
Ang sabi advance birthday blowout daw ito ni Enrique.
At least hindi si Enrique katulad ng iba na ginagawang vlog ang pagtulong at nakakalimutan ang pinaalala ng simbahan na nakalagay sa Bible : “Matthew 6:1-4 CEV
“When you do good deeds, don’t try to show off. If you do, you won’t get a reward from your Father in heaven. When you give to the poor, don’t blow a loud horn. That’s what show-offs do in the synagogues and on the street corners, because they are always looking for praise.”
- Latest