^

PSN Showbiz

Inagaw... nina Maricel at Snooky, binuhay ng sagip

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Inagaw... nina Maricel at Snooky, binuhay ng sagip
Maricel Soriano at Snooky Serna

Bilang pagdiriwang sa National Women’s Month ngayong Marso, kaisa muli ng Sagip Pelikula ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Manila Metropolitan Theater para sa free screening ng restored version ng Reyna Films’­ family-drama classic na Inagaw Mo ang Lahat sa Akin nina Maricel Soriano at Snooky Serna sa panibagong edisyon ng Mga Hiyas ng Sineng Filipino, na ginanap nitong Linggo sa MET.

Maliban sa libreng pagpapalabas ng pelikula, sinundan ito ng talk-back session ng lead cast nitong sina Maricel at Snooky kasama ang writer nitong si Bibeth Orteza at direktor na si Carlos Siguion-Reyna, Central Digital Lab CEO Manet Dayrit, pati ang co-stars nilang sina Jess Evardone at FDCP chairperson Tirso Cruz III.

Binalikan ng cast, writer, at direktor nito ang mga naging hamon sa paggawa ng pelikula, pati ang kanilang galak na ma-restore ito at ang patuloy na pag-suporta ng mga manonood sa family-drama hit.

Tampok sa pelikula ang istorya ng sigalot sa pagitan ng magkapatid na sina Jacinta (Maricel) at Clarita (Snooky). Sa pagbabalik ni Clarita sa kanilang probinsya para kamustahin ang kanyang kapatid at ina matapos ang ilang taong pamumuhay sa siyudad, biglang mauungkat ang itinatagong lihim ni Jacinta na labis ikagagalit niya at pilit sisira sa kanilang pamilya.

Ini-restore ito sa tulong ng Central Digital Lab at unang ipinalabas digitally sa KTX.ph noong 2020, matapos ang theatrical release nito noong 1995.

Maliban sa Inagaw Mo ang Lahat sa Akin, ilan pa sa mga unang itinampok ng Sagip Pelikula sa Metropolitan Theater ang digitally restored versions ng Sana Maulit Muli at Himala.

vuukle comment

FDCP

MOVIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with