^

PSN Showbiz

Alfred, naramdaman ang Nora magic!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, naramdaman ang Nora magic!
Alfred Vargas

Suwerte naman ni Alfred Vargas.

Imagine na sa Pieta movie kasama niya sina Gina Alajar, Jaclyn Jose at Nora Aunor, na si Adolf Alix ang direktor.

Kaya naman nasa cloud 9 si Alfred lately dahil dream come true ang Pieta para sa kanya. Big deal bilang isang artista at producer.

“Ibang klaseng artista talaga si Ate Guy. Magical at nakakamangha. Naramdaman ko mismo ang “Nora Magic” tuwing magkaeksena kami. She has that unbelievable command of both her heart and art, expressing nuances so effectively that she pulls in her spectators, unaware, to a world of her sincere creativity. Naramdaman ko sa mga eksena na parang nanay ko siya talaga!,” chika ni Alfred.

Nakakatuwa na sa batang edad ay nagawa na halos niya ang lahat ng pangarap niya.

At ang talagang the height ay happy ang family life niya. Isang bagay na talagang gusto niya from the start at mas ito ang premyo na nais niyang matanggap sa buhay, ang maging mabuting ama at asawa.

At dahil naging mabuting anak at kapatid si Alfred kaya madali rin niyang nakukuha ang pangarap niya bilang pamilyadong tao.

At pati ngayon na balik-showbiz na siya lahat pa rin nang ginagawa niya ay natatapos nang maayos.

Bongga noh.

Wish ko na talagang tularan ng maraming aktor si Alfred.

‘Yung inuuna ang mga pangarap kesa sa mga kung anu-ano lang.

Gayahin ninyo siya na totoong nag-umpisa sa pagpapa-sexy pero ayan at naayos ang buhay.

Ngayon kasi parang pagkatapos ng ilang exposure nawawala ang mga artista na hindi ko pa nga nakikilalang masyado nakita ko lang sa isang post pagkatapos ay wala na, naglaho na.

Kaloka.

Mangarap kayo ng mataas no. Wag one time big time lang.

At ‘wag iasa sa social media ang career.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with