^

PSN Showbiz

Buboy, natuto na ring magnegosyo

Joe Barrameda - Pilipino Star Ngayon
Buboy, natuto na ring magnegosyo
Buboy Villar

Naloka ako nang mag-trending ang boses ko sa TikTok kahapon.

Ito ‘yung biro ko kay Buboy Villar na mukhang galing sa squatter nang pumasok sa Ballroom ng Luxent Hotel bilang isa sa ambassadors ng Beautederm kamakailan.

‘Yung mga kaibigan at kasamahan ko sa panulat, walang isyu ‘yun dahil kilala naman nilang malalapit ako sa mga artista ng GMA 7.

Pero ginawang malaking isyu ng ibang TikToker.

Saka kilala ko si Buboy.

Natatandaan ko pa nga nang papasok pa lang siya sa showbiz ay madalas kong abutan ‘yan sa mga taping na pinakakanta.

Pero mas nakilala siya nang i-manage ng namayapang si Direk Mario J. delos Reyes.

Kasabayan niya noon ang alaga kong si Ruru Madrid kaya naging malapit sila ni Ruru na lagi niyang nilalapitan kapag may kailangan siya.

Lumipas ang mga panahon at nagkaroon ng marka ang pangarap ni Buboy sa showbiz.

Kung saan-saang programa ko siya napapanood.

Tapos ay isinama siya ni EVP for Entertainment Lilybeth Rasonable sa Running Man Ph at after that ay kabi-kabila ang mga proyekto niya sa GMA.

Masayahing tao si Buboy kaya siya madalas ang sentro ng katatawanan.

Hindi sikreto sa madla na sa murang edad ay nagkaroon ito ng pamilya. Pero hindi nagtagal ay naghiwalay sila ng ka-partner na Amerikana.

Hindi naman na-depress si Buboy sa kanyang problema at tuloy lang ang buhay.

Ang maganda kay Buboy ay natuto itong magnegosyo at lahat ay successful naman at kumikita.

Kaya sobra ang pasasalamat niya at nakilala niya ang Beautederm founder at presidente na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na binibigyan siya ng mga advice sa pagnenegosyo.

Isa si Buboy sa mga Beautederm ambassadors at kaya madalas siya sa branch opening nito nationwide.

vuukle comment

BUBOY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with