^

PSN Showbiz

Kylie, nagsalita sa totoong nangyari sa kanila ni Steven Seagal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kylie, nagsalita sa totoong nangyari sa kanila ni Steven Seagal
Kylie
STAR/ File

Mag-iisang taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca. Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dating magkasintahan noon.

Ayon kay Kylie ay hindi pa sila nagkakausap ng aktor hanggang ngayon. “No, Tito Boy. I know it’s been a long time, siguro only time will tell if we are ready to see each other, in a very friendly setting. Ayaw ko siya pilitin pero darating din ang panahon. And maybe, who knows, time will tell,” makahulugang pahayag ni Kylie.

Kamakailan ay naugnay ang dalaga sa international actor na si Steven Seagal. Nagkakilala raw ang beauty queen-actress at si Steven sa isang event sa Dubai ilang buwan na ang nakalilipas. “We were at the same table sa DIAFA (Distinctive International Arab Festival Awards) sa Dubai. Nanalo ako ng Best Actress Award (para sa pelikulang The Housemaid) tapos siya naman nanalo ng isa pang award. I felt bad kasi ‘yung katabi ko tinanong siya. ‘Hi! What’s your name? Where are you from?’ Tapos nagpakilala na ako, ‘Hi! Sir Steven, I’m Kylie and I’m from the Philippines.’ ‘Where are you from?’ ‘Makati, BGC.’ Then biglang nag-usap-usap na kami. The whole time tinatawag-tawag na niya ‘yung name ko do’n sa table. In-invite niya ako the next day to have coffee. And we remained very, very good friends. We’re very good friends,” pagtatapat ng aktres.

Samantala, mapapanood na sa mga sinehan simula March 22 ang pelikulang Baby Boy, Baby Girl na pinagbibidahan nina Kylie at Marco Gumabao. Bago pa na­ging kasintahan si Jake noon ay si Marco muna raw ang nanligaw sa dalaga. “Yeah! We tried it out, medyo bata pa kami noon eh. But we remained very good friends. Happy ako sa mga pinagdaanan niya sa buhay. I’ve seen him grow as an actor, as a person. Nagka-catch up pa rin kami. Siguro a long time before Jake, Tito Boy. Long way before Jake. Siguro mga 2 years ago,” nakangiting pagbabahagi ng dalaga.

Kris, gusto na agad sundan ang pinagbubuntis

Ikalimang buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Kris Bernal. Matatandaang Ikinasal ang aktres kay Perry Choi noong 2021. “I’m good, I’m still experiencing some symptoms of pregnancy but somehow it’s subsiding na. My energy is back compared to the first trimester,” bungad ni Kris.

Malaki na raw ang ipinagbago ng aktres mula nang magdalang-tao.

Aminado si Kris na naiba na rin ang kanyang pananaw sa buhay.  “I didn’t expect the drastic changes not just sa katawan ko pero sa lifestyle ko. Everything changed talaga. I used to be fitness addict. I’m used to having a flat tummy, talagang muscled, toned. Almost every day I work out. Ngayon talagang nagbago. I realized that I became less vain. Mas nakatutok ako doon sa health and baby. I’m after that more than myself. Nagulat ako, kilala ko sarili ko eh. Siguro dahil nga nasa showbiz ako, all I think about is myself all the time. Even no’ng nag-asawa ako, it should always be me. But then ngayon, nagbago ‘yung priorities ko,” pagtatapat ng aktres.

Hindi pa man ay nanganganak ay nangangarap na si Kris na sundan ang kanilang magiging panganay. “At first gusto ko isa lang. Pero ngayon na ang sarap pala ng feeling na ganito, na you’re growing a human inside your body. Parang everything’s like a miracle to me. So gusto ko mga dalawa, tatlo siguro,” pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with