^

PSN Showbiz

Bong, pinaghahandaan ang comeback!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, pinaghahandaan ang comeback!
Bong Revilla

Talagang pinag-iisipang mabuti ni Bong Revilla ang gagawin niyang bagong serye kung sakali.

Kasi nakita niya na talagang nag-iba na ang taste ng mga viewer ngayon kaya alam niya na dapat talagang sumunod sa agos ng pagbabago.

Lagi naman rater ang anumang TV show ni Bong kaya sure na walang magiging problema.

Sa ngayon, time management talaga ang dapat gawin niya sa rami ng mga ginagawa niya.

Nami-miss na nga niyang makipag-kwentuhan sa mga kaibigan press people dahil sa kawalan ng oras. Kaya nga basta nagkaroon siya ng pagkakataon gusto niyang magkaroon ng meet the friends from the showbiz press.

Alam mo naman na eversince love ni Bong ang mga showbiz writer kaya gusto niyang makita ang mga ito pag may bakante siyang oras.

Sa ngayon, talagang naghahanap siya ng isang magandang materyal para sa pagbabalik-serye niya.

Maganda nga na masabik muna ang mga follower niya at magpahinga muna siya sandali.

Alam mo naman si Bong gusto laging may ginagawa. At aside from that naglilibot pa siya para mas makita ang nagaganap sa paligid.

Ganyan kasipag ngayon si Bong. Bongga.

Gow gow Bong. Andito lang kami lagi para sa ‘yo.

Hay naku kahit pa anong sabihin nilang pang-iimbyerna, wala yang magiging epekto sa akin.

Wait ako sa magiging comeback mo sa TV.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with