^

PSN Showbiz

Heart at Marian, pinanghinayangan na hindi nagkasama sa isang endorsement

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart at Marian, pinanghinayangan na hindi nagkasama sa isang endorsement
Heart Evangelista at Marian Rivera

Ang busy naman ni Cris Roque ng Kamiseta. Dahil nasa news ngayon ang Baguio dahil sa malamig ang klima, medyo busy ang kanyang Kamiseta Hotel.

At talagang ang mga ready to wear niya na Kamiseta shirts, blouses at pants talagang lagi na ay na out of stocks dahil mabili sa mga preppy at fashionista. Talagang busy siya sa negosyo kaya naman lagi siyang gahol sa oras at talagang time management na lang ang ginagawa.

Sayang nga at hindi siya nakapag-meet the press nung panahon ni Heart Evangelista hanggang natapos na lang ang kontrata nito.

Ngayon naman tutok siya sa Kamiseta Skin na si Marian Rivera ang kanyang model ganundin sa Kamiseta lotion na almost two years na rin pala.

Imagine sana napagsama niya sa isang presscon sina Heart at Marian, bongga sana, ‘di ba!

Pero isa itong sign na maganda talaga ang products ni Cris Roque ng Kamiseta kasi nga, payag ang mga reyna ng showbiz maging endorser niya.

Ganundin si Rhea Tan ng Beautederm. Talagang very successful ang kanyang beauty products kasi nga tingnan mo, parami nang parami ang kanyang endorsers at produkto.

Heto na naman sina Ruru Madrid, Rayver Cruz, Ysabel Ortega at Sanya Lopez na dagdag sa kanyang roos­ters of endorsers na talaga naman every year parami nang parami. Bongga si Rhea Tan dahil talagang nasa top of the line ang products niya na talaga namang nakakatulong sa ikagaganda ng gumaga­mit nito.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with