^

PSN Showbiz

‘Wala akong galit kay Willie Revillame’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Wala akong galit kay Willie Revillame�
Willie Revillame
STAR/File

Marami nagtatanong sa akin Salve, kung galit ba ako kay Willie Revillame.

For the record, hindi ako galit, nagtampo lang ako dahil tinanggal niya sa trabaho ang staff niyang si Jopay Manago na naging dahilan para mapunta ito sa Home for the Aged.

Halos sambahin ni Jopay noon si Willie, talagang sobra ang pagi-idolo niya rito at pinagsilbihan siya.

Pero dahil nagkakaedad na, biglang hindi na pinayagang magtrabaho.

Alam ko na siguro na mas dapat akong magtampo sa mga pamangkin na tinulungan ni Jopay dahil sana sila ngayon ang nag-aalaga kay Jopay pero hinayaan nila na mapunta sa Home for the Aged.

Basta iyon lang ang tampo ko kay Willie, pero wala akong galit, at hindi nga ako dapat magalit.

Kaya hindi ako dapat seryosohin sa mga hanash ko or mga sinusulat na pagpuna kay Willie Revillame.

Personal na comment ko iyon at hindi naman siguro nakakaapekto kay Willie.

At hindi rin siguro pinapansin ni Willie dahil isa lang naman akong Lolit Solis na hindi dapat pansinin.

Sino ba naman ako kumpara sa isang Willie Revillame na sikat, mayaman at powerful. Kaya maliwanag ha, wala akong galit at hindi dapat pansinin ng isang Willie Revillame, bongga.

‘Wag akong gawan ng intriga dahil hindi ako nang-iintriga. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang isang manunulat.

Wala itong personalan at opinyon ko lang.

‘Yun lang at babu!

vuukle comment

JOPAY MANAGO

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with