^

PSN Showbiz

Willie, ‘di kayang palitan ang TVJ!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie, �di kayang palitan ang TVJ!
TVJ
STAR/ File

Nakakatawa ‘yung mga release na nagsasabi na tiyak si Willie Revillame ang magiging kapalit sa Eat Bulaga timeslot.

Walang puwedeng tumalo sa Eat Bulaga o kina Tito at Vic Sotto plus Joey de Leon. Walang puwedeng pumalit sa tatlo. Hindi kakayanin ng kahit sino ang humor at charms ng Tito, Vic and Joey.

Kaya huwag nang pilitin ng mga taong malapit kay Willie na gamitin sa press release na ito ang magiging magandang kapalit kung sakali mang totoo na mawawala ang TVJ sa Bulaga. Kahit anong sabihin, iba na rin ang lagay ng popularity ni Willie. Hindi na ito kasing sikat ng dati, hindi na ganun kainit sa viewers. Kaya hindi magiging magandang replacement ng Tito, Vic and Joey. Mahina ang magiging dating.

Mas mabuti pa nga siguro na subukan ng GMA 7 ang mga bago nilang talents para sa isang noontime show. Malay mo mas maganda pa ang maging dating nito. Why not? Bongga pa, ‘di ba!

Jasmine, sweet tita kay Dahlia

Ang sweet naman ni Jasmine Curtis-Smith sa kanyang pamang­king si Dahlia, na anak ng ate niyang si Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Marami ang na-touch sa mensahe niya sa pamangkin kung saan ibinahagi niya ang sweet moments nila.

“Will be with you wherever and whenever you need me,” sey ni Jasmine.

Close na close talaga ang magtiyahin na laging bitbit ang bata sa pamamasyal. Ang cute rin nila sa litrato kung saan lutang ang pagkakahawig nila.

Samantala, three years old na si Dahlia at sinelebrayt nila ito ng kanyang parents sa Tokyo Disneyland kung saan nag-ala Cinderella ito. Bongga.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with