^

PSN Showbiz

Luis, matatag sa iskandalo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Luis, matatag sa iskandalo
Luis Manzano

Kawawa naman talaga si Luis Manzano sa nangyari dahil nadawit siya sa scandal ng isang kumpanya. Totoo man ang sinasabi ng tao na kaya sila nag-invest doon ay dahil nga si Luis ang endorser pero hindi pa rin puwedeng isisi sa kanya ang nangyari.

Kung minsan ang kinukuhang endorser ang malakas sa masa para makahila ng tao, pero hindi naman kasalanan ng endorser kung sakaling pumalpak ang produkto.

Sa kaso ni Luis, dapat intindihin natin kung ano ang kalagayan niya sa nangyari. Puwedeng pati siya biktima rin.

Mabuti at solid ang pamilya niya sa likuran ni Luis kaya naging matatag siya sa lahat ng nangyayari.

Brightlight, mahaba ang pisi!

Lipat opisina ang Brightlight Production. At sabi ni Pat-P Daza one year daw contract nila sa office, meaning matagal pa ring tatakbo ang Brightlight Production.

Good news na gusto pa rin ni Papa Albee Benitez na ituloy ang pagpo-produce ng TV shows. Good dahil tuloy pa rin ang trabaho ng lahat na involved sa TV productions niya at sana nga tuloy rin ang pakikipag-produce niya ng movies.

Dahil sa haba ng pisi ng Brightlight matutumbok din nito ang jackpot. Isang project lang na mag-hit, bongga na agad kaya naman mabuti at matiyaga rin si Papa Albee at tuloy lang lahat.

Suwerte rin si Pat-P na hindi slavedriver ang big boss niya, cool na cool lang. Sure akong magiging very bright ang Brightlight, dahil kalmante lang sila, hindi nagpa-panic sa mga nagaganap, basta cool at wait lang sa outcome ng projects nila. Bongga.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with