^

PSN Showbiz

Matapos pagkaperahan ang showbiz...Liza, pa-victim!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Matapos pagkaperahan ang showbiz...Liza, pa-victim!
Liza Soberano
STAR/File

‘Yung pagbubukas ni Liza ‘Hope’ Soberano ng Pandora box ang laging hinaing ng bawat star na sandaling nakarating sila sa itaas.

‘Pag nasa itaas na kasi para bang saka lang nila nakita ‘yung mga bagay na nagiging reklamo nila.

Para bang utang na loob pa ng mga taong nakasama nila ang narating nila. ‘Yung false feeling of sacrifice na sinasabi nilang nangyari sa kanila. ‘Yung nawalan sila ng identity, ‘yung privacy, ‘yung naging para silang puppet.

Hindi na lang sila magpasalamat na sumikat sila, na kumita sila nang malaki, na naging masarap ang buhay nila.

Nakakatawa nga na pagkatapos magtamasa sa masarap na buhay, biglang may reklamo sila ng mga naging sacrifice nila.

You pay something for whatever you get in life. You aspire for something high, dapat ready ka sa anumang bagay na kapalit nito.

Kung gusto niyang naging tahimik ang buhay niya, dapat hindi siya pumasok sa showbiz at nanatiling Hope Soberano for the rest of her life.

Naging Liza Soberano ka, kaya lahat ng dapat ibinigay ng pagiging Liza Soberano kaya’t ibigay mo kapalit ng magandang bagay na gusto mong makuha.

Nakakatawa ang mga star na matapos gumanda ang buhay at kumita ng malaking pera bigla magsasabi na nawala ang privacy nila o identity.

Ano iyon, basta na lang babagsak sa kandungan mo ang pera? Bawat pera na darating sa iyo may katapat na bagay.

Wala yatang propesyon na sinlaki sa ibinabayad ng showbiz ang kikitain mo.

Shocked nga ang doctors and lawyers na ang kinikita nila sa loob ng isang buwan ay bayad sa isang araw na trabaho ng isang big star.

Malaki ang bayad sa isang artista, kaya malaki rin ang sakripisyo na dapat nilang ibigay bilang kapalit.

Funny that you complain about something that gave you the house, car, and all the things you are enjoying in your life now.

False victim feeling ang nadarama ngayon ni Liza ‘Hope’ Soberano.

Wake up, girl, gumising ka sa katotohanan ng buhay. 

If you enjoy the aircon in your room, the ride in your car, just be thankful. Huwag na ‘yung paeklay na para kang puppet. Huwag mag-feeling profound o know it all dahil nega iyon.

Just enjoy life. With or without Liza ‘Hope’ Soberano, buhay pa rin ang mga taga-showbiz. Bongga, ‘di bah.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with