^

PSN Showbiz

Robin pinamo-monitor na ang social media platforms, nahihiya na nakakita si Mariel ng porno sa kanyang cellphone

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Robin pinamo-monitor na ang social media platforms, nahihiya na nakakita si Mariel ng porno sa kanyang cellphone
Robin Padilla

Nag-voluntarily pull-out na pala ang pelikulang Plane sa mga sinehan.

Sa isang statement na inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kahapon ng hapon sinabi nilang “While the Board was in the process of  re-evaluating the film “Plane”  in response to the objections raised by concerned groups, we confirm that on 21 February 2023, the Board received a letter from the film distributor, Screen Media Films Co., informing the MTRCB that it had voluntarily pulled-out the film from public exhibition due to the controversy surrounding the objected scenes.

“In the same letter, the distributor manifested that it intends to provide the MTRCB with a new version of the film for appropriate review and classification.”

Si Senator Robin Padilla ang unang nanawagan na i-ban ang pagpapalabas ng nasabing B-movie sa ilang sinehan sa Maynila na kuwento tungkol sa paglaban ng isang grupo sa ilang elemento ng mga terorista sa Jolo, Sulo pero hindi nag-shoot sa Pilipinas kundi sa Puerto Rico na sinasabing ‘pinsan’ ng ating bansa.

Sinabi ng aktor na nakilala rin sa mga pelikula bilang bad boy at number 1 senator noong last election na makakasira ito sa imahe ng bansa.

Though may ilang nag-react lalo na nga at habang mainit na pinagtatalunan ito ay napatay ang isang tourist from New Zealand matapos nitong tangkaing labanan ang pagnanakaw ng naka-motor sa isang lugar sa Makati. Thirty-four years old lang ang nasabing turista nang hatakin ng salarin at nakipaglaban hanggang nabaril at namatay na kasama ang girlfriend that time.

Samantala, nabanggit naman kahapon ng aktor sa Senate committee on public information and mass media hearing na mag-ingat sa mga content sa TikTok, Facebook, at iba pang social media platforms dahil nakakasira ito sa isipan ng mga kabataan.

 Ikinuwento niya sa nasabing hearing na may pagkakataong hiniram ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez ang kanyang telepono nang biglang nag-pop up ang porno sa screen ng kanyang phone. May konek ito sa algorithm (is a procedure used for solving a problem or performing a computation ayon sa techtarget.com). “Sa Facebook, minsan ito nangyari sa akin, nahiya ako sa asawa ko. Minsan sabi niya, ‘pahiram naman ako ng phone mo, may hahanapin lang ako sa Facebook.’ Biglang lumabas dun sa screen ko may porno. Nakakahiya baka akala ng asawa ko nanonood ako niyan. Biglang lumalabas lang,” aniya na kumalat agad-agad sa social media.

Ganundin din daw sa TikTok. “Itong TikTok, alam ko sa China ‘to. Ang gusto ko lamang sabihin, mag-ingat tayo rito kasi pag-pollute ito ng utak ng ating mga bata. ‘Wag sana tayo magpabaya sa mga ganitong usapin. Baka akala nila ganito lang ‘to, pero hindi po. Sa usa­pin po ng kabataan, ang pinag-uusapan, hindi lang po droga ang pwedeng sumira sa pag-iisip ng ating kabataan pati po sa ganito,” pahayag pa ng senador na isa na sa pinakakontrobersyal na pulitiko sa kasalukuyan lalo na nga’t sinabi rin niya handa siyang mag-resign bilang senador “Araw-araw po na ginawa ng Diyos, wala po akong ibang gustong gawin kundi mag-resign. Hindi po ako makapag-chicks dito. Ang hirap, totoo po ‘yan.”

vuukle comment

MTRCB

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with