^

PSN Showbiz

Vilma, pinasalamatan ang mga pumanig kay Luis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vilma, pinasalamatan ang mga pumanig kay Luis
Vilma Santos at Luis Manzano

Gusto kong sabihin na ang bait talagang nanay ni Vilma Santos dahil siya mismo ang nagpapasalamat sa mga tao na nasa panig ni Luis Manzano sa nagaganap na kaguluhan sa buhay nito.

Kahit naman sinong nanay talagang mag-aalala sa kanyang anak, lalo pa nga at hinuhusgahan na ito wala pa namang kasagutan sa mga nagaganap. Naging emosyonal siya nang pag-usapan ang tungkol sa kontrobersiyang nasasangkutan ng anak. Pinagtanggol niya ito sa mga humuhusga dahil ayon sa kanya ay hindi manloloko si Luis kundi tumutulong pa ito.

Kung anuman, tiyak na Luis Manzano will come out innocent of anything, dahil pati siya nadamay pa rito. Biktima lamang siya ng scam dito.

Buti na lang at meron siyang anak, si Peanut na nagbibigay-ligaya sa kanya sa ganitong problema. Siguradong kahit papaano ay nakakalimutan niya ang problema tuwing nakikita ang kanilang panganay ni Jessy Mendiola.

Basta alam natin, tiyak na lalabas na inosente rito si Luis Manzano. With a mother like Vilma Santos, and father like Edu Manzano, for sure, all the proper teaching in life natanggap ni Luis habang lumalaki. Hinding-hindi rin siya pababayaan ng mga ito.

Be strong Luis, kayang kaya mo iyan, lagot sila kay Peanut, bongga.

 

 

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with