Beauty queen/actress, tinawag na Pia Horseback!
True kayang binabantayan ng BIR?
Nagpalit na raw ng apelyido si Pia Wurtzbach.
Pia Alonzo Horseback na.
Naka-piggyback ride kahapon si Pia sa jowang si Jeremy Jauncey sa kanyang latest post habang naka-two piece string bikini kaya’t exposed ang umbok ng kanyang butt habang nasa harap sila ng dagat.
Kaya nga napa-sana all ang lahat.
Pero meron din namang nag-comment na sana ay magpaka-sensitive si Pia at sumuporta sa mga nabiktima ng lindol sa Turkey at Syria.
Walang binanggit ang beauty queen kung nasaang bansa siya sa kasalukuyan.
Pero totoo kayang isa si Pia sa binabantayan ng BIR (Bureau of Internal Revenue)?
May ilan diumanong nakabantay sa social media accounts ngayon ng mga celebrity para ma-check kung nagbabayad ba sila ng tamang buwis sa rami ng endorsement nila sa social media.
Nauna na ngang nagpahayag si Pangulong Bongbong Marcos na : ‘I encourage the public to pay the correct amount of taxes on time to support the country’s economic recovery and expansion so critical in this time.”
- Latest