^

PSN Showbiz

Sam, sabik kay Juday!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sam, sabik kay Juday!
Sam
STAR/ File

Magkakatrabahong muli sina Judy Ann Santos at Sam Milby para sa pelikulang The Diary of Mrs. Winters. Sa Canada pa raw kukunan habang winter ang karamihan sa mga eksena para sa naturang horror film.

Kahit nakararamdam ng takot sa matinding snow ay umaasa naman ang aktres na malalampasan at magagawa nang maayos ang trabaho sa Cana­da. “Mayroong mga taong ibinigay ni Lord sa akin to be comfortable working in Canada. These people will help me conquer my fear and at the same time make me do my work as an actress na sapat at tama. Para sa akin that’s more than enough reason to enjoy this film even if takot na takot ako,” giit niya.

Matatandaang huling nagkatrabaho sina Juday at Sam sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013. Hindi raw nagdalawang-isip si Sam na tanggapin ang proyekto makasama lamang ang aktres pagkalipas ng isang dekada. “I didn’t have to read the script. Juday pa lang ‘yes’ na agad. After reading the script, ang ganda ng kwento. It’s something really diffe­rent. As an actor you want to do new roles and new experiences. So first time ko ‘yung horror. So I’m really, really excited. Ang ganda ng kwento,” paglalahad ni Sam.

Ronnie, inaming maraming beses niloko si Loisa

Sa loob ng halos pitong taon ay marami nang pagsubok ang pinag­daanan ng relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Aminado ang aktor na nagkaroon ng ugnayan sa ibang babae noong bago pa lamang silang magkasintahan ni Loisa. “Sobrang sakit pala ng feeling na gano’n. Halos dalawang linggo, nawala ako talaga. Lumabas ako with friends para maalis ko sa utak ko ‘yung nangyari. Pero na-realize ko din sa dulo na baka karma lang din ito. Tinake ko ‘yon as karma kasi ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari ‘yon. Ang dami niyang nahuli sa akin, ilang babae. Alam niya, nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit ‘yung gano’ng pakiramdam,” makahulugang pahayag ni Ronnie.

Aminado naman ang binata na talagang nagkaroon siya ng pagkakamali dahil sa mga nangyari noon. “Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nili­naw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner ko. ‘Yon lang po ang nililinaw ko na ngayon ko lang sinabi, na ako ‘yung may mali doon. Sa mga fans, huwag n’yong i-bash ‘yung mga babae na na-link sa akin. Kasi hindi nila alam, kasalanan ko ‘yon,” pagtatapat ng aktor.

Nakikita umano ni Ronnie na si Loisa na ang kanyang pakakasalan at makakasama sa habambuhay. “Dapat, kasi kahit sino naman pong tao, hindi ka susugal sa relasyon nang gano’n lang kung hindi mo alam na siya na talaga. Hundred percent sure ako sa kanya. Hindi man kami pa ikasal, alam kong darating at darating din doon. Kasi sigurado na ako eh. Sigurado na ako sa kanya,” giit ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with