^

PSN Showbiz

Kathniel, magiging aligaga na ulit sa pelikula!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kathniel, magiging aligaga na ulit sa pelikula!
KathNiel
STAR/ File

Kilalang malapit sa pamilya Gutierrez si Karla Estrada, kaya naman sa 81st birthday party ni Eddie Gutierrez noong Tuesday night sa Bloom Café + Bar sa Greenbelt 2, Makati City ay isa siya sa mga bisita.

Nang makita ako ng nanay ni Daniel Padilla, pinansin niya na maliit na ang aking tiyan, kaya sagot ko sa kanya na nagda-diet na ako, kasi nakikita ko na nagpapapayat na rin siya at nai-inspire ako sa balik-alindog program niya.

Natawa si Karla sa sagot ko.

Anyway, tinanong ko si Karla kung tapos na ba ang shooting ng pelikula nina Daniel at Kathryn Bernardo. Last year kasi ay nag-inquire ako sa kanya para sa isang out-of-town show ay nabanggit niya na may lock-in ang KathNiel ng January.

“Ngayong February pa lang matutuloy. Tinapos muna ‘yung shoot ng mga endorsement,” sey ni Karla.

Naku, at least, Ateng Salve, matutuwa ang KathNiel fans dahil may pelikula na silang aaba­ngan.

For sure, maghi-hit ‘yon kapag ipinalabas na sa mga sinehan dahil talaga namang sure hit kapag ang KathNiel, huh!

Bongga!

Ciara, tahimik sa nangyari sa M.O.Ms

Nakachikahan din namin sa birthday party ni Tito Eddie si Ciara Sotto.

Naikuwento nga niya sa akin na marami ang nangungulit sa kanya dahil sa tsismis na tsinugi na nga ang morning show nila sa ALLTV (new Channel 2), ang M.O.Ms. (Mhies On a Mission) kung saan kasama niya sina Ruffa Gutierrez at Mariel Rodriguez-Padilla. “Oo nga, Kuya Jun, ang daming nangungulit sa amin ni Mariel. Pati kay Ate Ruffa, ang daming nagtatanong,” sey ni Ciara.

Pero ‘yun nga, “pause” lang ang sinabi sa kanila habang inaayos pa ang signal ng ALLTV at wala nga raw sinabi sa kanila na tsugi na ‘yon, huh!

“Ni hindi pa nga nagbibigay ng official statement ang mga taga-ALLTV, kaya hindi rin naman kami nagsasalita,” sey ni Ciara, na tama nga naman!

Ni hindi rin puwedeng i-share ni Ciara ang mga sinabi sa kanila nang huli silang mag-taping, pero mali ngang sabihin na tsugi na ang morning show nila nina Ruffa at Mariel, huh!

‘Yun lang!

Miles, bumalik sa Kapamilya

Nakita namin sa grand media conference ng FPJ’s Batang Quiapo ang isa sa owners ng Crown Artist Management, Inc. at kasosyo nina Maja Salvador at Rambo Nuñez, si Mikki Gonzalez.

Sinamahan ni Mikki sa event na ‘yon ang talent nilang si Miles Ocampo.

Tinanggap ng CAM ang offer kay Miles na magkaroon ng special participation sa new series nina Coco Martin at Lovi Poe.

At least, kahit napapanood na sa ibang TV networks si Miles ay hindi pa rin niya tinatalikuran ang ABS-CBN.

So nice... ‘Yun na!

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with