^

PSN Showbiz

Aktres, nagmaldita nang mag-guest sa game show

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pinupuri na itong si magandang aktres ng production staff na nakakatrabaho niya sa ilang drama series.

Ang sabi ng ilang staff na nakatsikahan namin, pinaghandaan na raw nila ang pag-a-attitude nitong si magandang aktres dahil naririnig na nilang may taglay na kamalditahan ito.

Pero tingin nila fake news lang ang kuwentong ‘yun dahil napakabait daw ni magandang aktres at ang dali raw katrabaho.

Dalawang beses nang nakatrabaho ng kaibigan naming Executive Producer at puring-puri niya si magandang aktres dahil never daw siyang nagkaproblema sa taping, lalo nung panahong nagla-lock in pa.

Pero kapag maldita ka, lumalabas talaga ang kamalditahan kahit magbait-baitan itong si magandang aktres.

Na-experience ito ng ilang production staff sa isang sikat na game show.

Meron kasing uniform ang mga naglalaro roon na ilang araw pa lang bago ang taping, sinasabi na kung anong kulay ang na isusuot ng kanyang kasama sa paglalaro.

Aware silang lahat na ganitong kulay ang isusuot nila.

Pero pagdating ng araw ng taping, iba ang kulay na suot ni magandang aktres.

Sungit-sungitan siya nung araw na ‘yun at halos ‘di namamansin sa production staff na nag-aasikaso sa kanya.

Sinabihan siyang dapat na sumunod siya sa kulay na napag-usapan. Pero ayaw niya.

Nakaangil daw na sinagot si production staff na ayaw na niyang magpalit.

Namroblema sila ngayon dahil wala namang dala ‘yung mga kasamahan niya ng damit na kakulay ng suot nito.

Hiyang-hiya ang mga kasamahan ni magandang aktres, sinabi na lang nila sa production staff na okay lang at sila na ang mag-adjust. Nagpapatulong na lang sila ng paghahanap ng damit na kakulay ni magandang aktres.

Mabuti at nagawan naman ng paraan, nasunod na ngayon ang color motif na suot ni magandang aktres.

Pagdating sa taping na kung saan ay maglalaro na sila, nakasimangot pa rin si magandang aktres.

Walang ka-energy energy, kaya tuwing break niri-remind nila si magandang aktres, na dagdag energy pa please at huwag ipahalatang nakasimangot. Inintindi na lang daw nila si magandang aktres na baka may problema lang o wala sa mood, kaya pinagtiyagaan, hanggang sa bandang huli okay na ito at masaya na siya hanggang sa natapos ang taping.

Pero hindi na nakalimutan ng buong production staff ang ipinakitang kamalditahan nitong si magandang aktres.

David at Shaira, sumasakay sa Maria Clara…?!

Nakakatuwa na bumalik na sa pagpu-produce ang OctoArts Films. Sila ang producer ng pelikulang Without You na second film ng tambalang David Licauco at Shaira Diaz.

Kasama nila rito ang iba pang alaga ng ALV Productions ni Arnold Vegafria na sina Rhiana Pangandian at Dindi Parejas na galing sa Miss World Philippines.

Si RC delos Reyes ang direktor nito, na kinlaro namin kung si ALV din ba nag manager niya.

Ang sabi kasi nila solo production daw ito ni Boss Orly Ilacad at wala silang co-producer. Kaya lang nagdududa kaming baka co-prod din sa ALV dahil pawang talents ni Arnold Vega­fria ang mga artista dito.

Inamin ng dalawang bidang sina David at Shaira na challenging talaga ito sa kanila dahil hindi gaanong nag-hit ang unang pelikulang pinagsamahan nila.

Anong meron dito sa Without You na papanoorin na ito ngayon?

Ani Shaira: “I’d like to think na malaking tulong talaga ‘yung timing na ilalabas ngayon dahil nga may Maria Clara at Ibarra, may Lolong. Isa na rin ‘yun talaga at hindi ko maitatanggi na parang hindi siya makakatulong. Kasi after ng mga series na ‘yun, talagang dumami ‘yung mga followers namin. Lumaki ‘yung fan base namin at marami ang sumusuporta sa amin.

“Siguro bukod dun, ‘yung story po talaga. As in ito ‘yung movie na sobrang proud ako na ginawa ko at tinanggap ko. Kasi sobrang relatable niya, parang… dahil nasa iba na ang panahon ngayon.”

Sabi naman ni David: “Challenging talaga na maglabas ng pelikula sa cinemas. Siyempre, with the rise of Netflix… saka hindi lang ‘yun e. May Tiktok, may Instagram, parang ang laking entertainment na nu’n.

“Right now ang dami ng socal media platform na makakapagpasaya at nakakapagbigay ng entertainment sa lahat ng mga tao.

“For me naman, I do believe in our product. So, I think with proper marketing, sa mga tulong n’yo, sa word of mouth, I think magiging successful siya.”

Tingnan natin ‘yan sa showing nito sa Feb. 15 na makakasabay pa ang malalakas na Hollywood film.

vuukle comment

MARIA CLARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with